fourteen

4.6K 249 95
                                        

A/N: Binalaan ko na kayo. Hindi naman 'to masakit but still, mianhamnida!





















"Pasado alas dos na. Hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa tayong aalis bukas." sabi ni Vhong na pinagmamasdan ang likod ng kaibigan na ngayon ay nakatanaw sa kawalan.

Pasado ala una na nang napagdesisyunan na ng lahat na matulog at magpahinga but Karylle insisted to stay by the seashore. Noong una'y hinayaan na muna ni Vhong ang kaibigan dahil alam niyang gusto nitong mapag-isa at mag-isip ngunit nang mapansin na halos isang oras na ang lumilipas at hindi parin umaakyat si Karylle ay minabuti na niyang bumaba at samahan ang dalaga.

He wanted to give her space and time to think ngunit mas nanaig ang pag-aalala niya para dito lalo na't wala namang mas nakakaintindi sa pinagdaraanan nito maliban sa kaniya.

"Katniss Ward. Is that you?" may lakas na loob na tanong ng binata.

"The moment I told you na si Vice ang posibleng nakinabang sa naidonate ko, the way you looked at me alam ko na kung ano ang ibig mong sabihin." she didn't answer his question but with what she said, mukhang alam na ni Vhong ang nais na sabihin ng kaibigan. "Ang bobo ko naman kasi, Vhong! Sa sobrang lawak ng mundo, talagang naisip ko pa 'yon? Desperada!"

Sinubukan niyang itago ang sakit by faking a laugh but Karylle isn't really a good liar. Sa kabila ng pekeng ngiti ay ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha niya. Masakit mang makita ang kaibigan sa ganitong kalagayan, hindi alam ni Vhong kung ano ba ang dapat niyang gawin.

All he knows is that, he needs to listen.

"I was born with everything. Lumaki ako na nakukuha ko ang lahat. Kahit nga hindi ko gusto, nakukuha ko eh. I was even sent to well-known schools. Kaya ko ngang magtravel sa iba't ibang bansa kung kailan ko gustuhin eh," she managed to say in between her sobs. "Pero bakit naman ganito? Bakit 'yung kaisa-isang bagay na gusto ko, 'yun pa ang hindi ko makuha?"

"Kailangan nating tanggapin na may mga bagay talagang hindi para sa atin," he simply said. "The moment I told you na hanapin kung sino ang nakinabang sa naidonate mo... nakita ko 'yung hope sa mata mo especially when you told me na posibleng si Vice 'yun. Pero masakit para sa 'kin na makita kang bumagsak ng ganito kalalim."

He's definitely blaming himself for giving that option. Gusto lang naman niyang makatulong upang kahit paano'y mapagaan ang nararamdaman ng kaibigan ngunit tila mas napalala niya pa ito.

Mas lalo lang siyang nasaktan.

"Do you know what's the biggest mistake I've done in my whole life?" still with a fake smile, she said. "Yun 'yung umasa akong kahit saglit lang, maranasan ko kung paano maging ina."

Mariing napapikit si Karylle after speaking her heart out. Napayuko naman si Vhong upon hearing that. Umasa siya. Umasa siya sa isang bagay na imposible.

"Hindi naman nasusukat sa bilang ng anak ang pagiging isang ina," Vhong said, almost inaudibly. "Yung pagtulong mo sa mga orphan? Binibigay mo sa mga bata 'yung pagmamahal ng isang ina na hindi nila nakukuha noon. Hindi lang naman sa dugo nananalaytay ang pagiging isang magulang. Giving your heart to those children in need, sobra-sobra na 'yun. Karylle, you already stood as their mother. Sa dami ng mga batang natulungan mo, hindi man lahat, mayroong iisa sa kanila ang hinahangad na makasama ka bilang isang tunay na ina."

Sa mga narinig, Karylle buried her face on her palms as she cried harder. Iyon na nga ang ipinagtataka niya. She's helping those kids in orphan. Hindi naman sa panunumbat, pero hindi pa ba sapat ang pagtulong na 'yon para siya naman ang pagbigyan sa nag-iisa niyang kahilingan?

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon