A/N: I was planning to reveal the twist sa pang 20th chapter sana pero kinabahan ako sa isang comment. Alam na niya! Mygahd. HAHA!
"Tita Kawylle! Tita Kawylle!"
Karylle hurriedly got out of her bed nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Snow sa room na nakalaan for her, Anne and Coleen. It was the first day of their vacation in Batangas at hindi niya alam kung anong oras na since wala narin naman ang mga kasama niya sa loob ng kwarto. Dahil sa pagmamadaling makatayo ay nakaramdam ng matinding hilo si Karylle dahilan upang bumagal ang kilos nito.
God knows how long has she been secretly crying last night. Sa sobrang sama ng loob ay halos hindi na nga siya nakatulog ng maayos.
"Tita Kawylle."
From yelling ay biglang naging soft ang sound ng pagtawag ni Snow. Karylle could also hear little sobs na para bang pilit pinipigilan. She pulled out all her strength upang makatayo at mapagbuksan ng pinto ang bata.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay ang kaawa-awang mukha ni Snow ang bumungad sa kaniya. Tears were all over her face. Hanggang ngayon ay pinipigilan parin nito ang paghikbi. She's really trying to be strong.
"Hey--
Hindi na natapos ni Karylle ang sasabihin nang dambahan siya ni Snow ng isang napakahigpit na yakap. There, she burried her face on her tita's tummy at doon ibinuhos ang kanina pa niya pinipigilang hikbi.
"I don't have a mommy!" iyak nito. Sa sinabing iyon ni Snow ay gets na agad ni Karylle kung bakit umiiyak ang bata.
"Ha? Why?"
"I don't want to be like Mishy!" sigaw pa nito as she tightened her hug kay Karylle.
"Mishy? Is she your friend in Canada who doesn't have a mommy?" sunod-sunod naman ang naging pagtango ni Snow.
"I heard Nongnong Biwwy and Nongnong Vhong talking about who my mommy is." pagpapatuloy pa nito sa pagkukwento. "Is it true, tita? Is it true that even Adi doesn't know who my mommy is?"
Hindi naman alam ni Karylle kung ano o kung paano sasagutin ang tanong ng bata since wala naman siya sa tamang posisyon to speak. Ang alam lang niya, she can see herself sa batang nasa harap niya ngayon. Ganitong ganito siya noon. She kept on asking kung bakit hindi buo ang pamilya niya noon. The only difference is, hindi alam ni Snow kung sino ang mommy niya. She realized na mas maswerte pa pala siya dahil siya, kilala niya kung sino ang nagsilang sa kaniya.
"A-am I adopted?" humihikbing tanong ni Snow.
"Anak, no. You are not adopted." sagot ni Karylle.
"D-did Adi just get me from an orphanage?" dagdag pa nito.
"Snow, you listen to me okay?" Karylle kneeled down para makalevel ang bata at para narin makausap ito ng maayos. "You are not adopted. Hindi rin ikaw galing sa orphanage. You were born in a special way. You looked like your daddy so why would you think you're adopted?"
"How come he doesn't know who my mommy is?" she asked. Patuloy parin ito sa paghikbi ngunit kagaya kanina, she was trying her best na pigilin ito.
Napangiti naman si Karylle sa naisip.
"I'll tell you a story, come here." nakangiting hinawakan ni Karylle ang kamay ng bata at ni-guide ito paupo sa bed. Saglit na nagtungo si Karylle kung saan nakalagay ang wallet niya at doon ay may hinugot. "You see this?"
Mabilis na inabot ni Snow ang pink bow na ipinakita ni Karylle. Hindi niya alam kung para saan 'yon so she just read all the letters na nakikita niya na naka-print sa bow na hawak niya.