sixteen
Ala una na nang madaling araw when Vice decided to send Karylle home. Pinababa muna nila ang tama ng dalaga bago nila naisipang iuwi ito. Besides, ayaw naman nilang ma-bad shot sa ina nito lalo na't maayos ang pakikitungo nito sa kanila.
Sa ilang minuto nila sa loob ng sasakyan, tahimik lamang si Karylle at nakatuon ang tingin sa bintana. Alam ni Vice na narinig ng kaibigan ang lahat ng sinabi ni Yael, maging ang naging confrontation nito with the Showtime hosts. Matapos umalis si Yael ay patuloy ang pagdaloy ng luha ni Karylle na hindi na nagawang magsalita to explain what she really feels.
"He seems to be so insensitive na hindi manlang inisip kung anong posible mong maramdaman once makita mo siya. Ang kapal ng pagmumukha," bulong ni Vice but loud enough para marinig ni Karylle. "There, I've already given him my pasalubong. Kulang pa nga 'yun e! I wanted to--
"Enough," mahina ngunit madiing sabi ni Karylle.
Hindi alam ni Vice kung paano tatanggapin ang naging sagot ng kaibigan? Enough? What does she mean by that?
"Are you mad because of what I did? What do you mean by enough?"
"No, Vice. Hindi naman dapat kayo nadadamay sa issue naming dalawa e. What happened between me and Yael, sa 'min lang dapat 'yun." she replied. Kunot noong napailing si Vice.
"So ang sinasabi mo ba, hindi dapat kami nangialam?"
"Vice, that's not what I mean. Yung kanina? We were in a public place and I am sure, ang daming taong nakakita at nakarinig. Vice, kababalik mo lang o! Kapag kumalat 'yung nangyari, paano ka? Paano kayo? Imbis na problema nalang namin, nadamay pa kayo. Nadamay pa 'yung buong Showtime," nag-aalalang sabi ni Karylle.
Totoo nga. Karylle always choose what's best for others. Kahit pa malugmok siya sa sarili niyang kalungkutan, basta masiguradong safe at hindi madadamay ang mga kaibigan niya, magtitiis siya.
"Kapag may problema ako, you always tell me that everything's gonna be fine. You always assure me that in time, I'll learn to accept na hindi lahat ng bagay ay para sa akin. You didn't leave me, Karylle. Never kong naramdaman na wala ka sa tabi ko," Vice said. "Huwag mo naman akong pigilan na gawin sa 'yo ngayon 'yung mga bagay na hindi ko nagawa noong apat na taong wala ako sa tabi mo. I wasn't here when he left. Wala ako sa tabi mo when you needed me. Hayaan mo akong maging kaibigan sa 'yo,"
Hindi agad nakapagsalita si Karylle dahil sa sobrang pagka-overwhelmed sa sinabi ni Vice. On-cam, siya ang pinaka-pasaway sa grupo at parang walang pakialam, pero kapag off-cam na, isa siya sa pinaka-caring at pinaka-nag-aalala para sa lahat.
Napatakip na lamang ng mukha si Karylle using her palms, trying to detain her tears pero hindi na niya talaga kaya. Punong puno na siya. Lahat naman ng container, kapag napupuno, umaapaw.
Nababahala man sa mga naririnig na hikbi, hindi pinigilan ni Vice ang kaibigan dahil alam niyang kailangang ilabas ni Karylle ang kinikimkim. There's nothing wrong with crying. It's actually one of the best ways to ease the pain you have inside.
"H-hindi ko lang kasi talaga maintindihan," she managed to say in between her sobs. "Bakit hindi ko kayang magalit? I should be mad at him! Walang kapatawaran 'yung ginawa niya sa 'kin but why couldn't I feel the anger?"