twenty
"Vhong, I am not doing this para paghiwalayin sila Vice at Terrence. Ginagawa ko 'to para tulungan si Karylle. Naiintindihan mo ba 'ko?" kunot noong sabi ni Anne habang paikot-ikot sa loob ng dressing room niya.
Dalawang araw na ang nakakalipas after ng blood transfusion. It became sucessful kaya't isang araw lang matapos iyon ay pinayagan ng madischarged si Snow sa hospital. Si Karylle naman ay kinakailangang magpahinga ng ilang araw dahil nakakaramdam ito ng pagkahilo, numbness, at some neurological dysfunctions na dala ng pagdodonate niya ng stem cells. Inassure naman siya ng doctor na ilang linggo lamang niyang mararanasan iyon kaya't hindi niya kailangang mag-alala.
Dahil tagumpay ang naging pagsasalin ng stem cells kay Snow ay balik rehearsal ulit ang mga hosts maliban kay Karylle na binigyan ni Direk Bobet ng ilang araw na rest at kay Vice na kailangan ding pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa anak.
During their break ay walang pasabing hinila ni Anne ang kaibigang si Vhong sa loob ng dressing room niya sa kadahilanang ilang araw narin siyang binabagabag ng mga pinagtagni-tagning pangyayari sa utak niya.
Magmula sa proseso sa kung paano nagkaroon ng anak si Vice, sa day and time ng procedure, maski ang association na tumulong kay Vice at tinulungan ni Karylle. Maaari niya pang palampasin ang mga iyon at isiping coincidence lamang ang lahat.
Pero yung fact that Karylle has the same blood type as Snow, mukhang hindi nalang 'to basta tsamba.
Noong una'y nagtaka pa si Vhong kung paano nalaman ni Anne na nagdonate sila ni Karylle ng cells nang minsan silang nag-show sa Canada ngunit hindi na niya iyon inisip pa dahil natuon na ang utak niya sa mga pinagsasasabi ng kaibigan.
"Wait." Vhong stopped Anne from speaking. Hindi na talaga niya kaya ang sunod sunod na pagdaldal ni Anne kaya't pinahinto na niya ito sa pagsasalita.
Napahawak na lamang sa noo si Anne dahil sa pangungunsimi. Saglit na lumabas si Vhong at paglipas ng ilang minuto'y bumalik ulit na dala-dala na si Billy.
"Problema mo kuys?" nagtatakang tanong ni Billy dahil wala talaga siyang ideya kung bakit bigla na lamang siyang hinila ng kaibigan.
"Ito kasing si Anne eh! Pinagpipilitan na anak ni Karylle si Snow," tila batang nagsusumbong na sabi ni Vhong.
"She knows?"
"He knows?"
Halos sabay pa na sabi nila Billy at Anne. They knew how sensitive the issue is kaya't wala silahlng ideya na ilan narin pala silang nakakaalam.
"Karylle told me," Anne said. "And I was able to see how devasted she was when she learned na hindi kaniya si Snow,"
"Ayun naman pala, Anning eh! Nakita mo na kung gaano siya ka-down nung nalaman niyang hindi niya anak 'yung bata. Then why do you keep on bringing this up? Paaasahin nanaman natin 'yung tao?" Billy said, na hindi maintindihan ang pinupunto ng kaibigan.
"Isipin mo nga, Billy? Were all of these really just happened by chance? Come to think of it! From the day of Vhong and Karylle's show, the time, the association and even the procedure. Nagkataon lang ba lahat ng 'yon?" pakikipaglaban pa ni Anne.
