23. The Box

226 20 0
                                    

23. The Box

Bryce POV

"What... was that?" Hindi ko pinansin si Kevin at sinundan sila Sharina. I think I need to know the truth. Ramdam ko namang hindi siya basta babae lang. Ramdam kong may iba sakanya. Sinundan ako nina Kevin at Nate. Naiwan sina Chester at Ruka para ikwento sa teacher ang nangyare. Medyo malayo ang gap na meron kami kaila Sharina. Pero there is this feeling na I have to know who she is. Kasi habang tumatagal ang panahon, lalo akong kinakain ng koryusidad.

"Wait, baka makita nila tayo. Magalit pa satin. Yari!" Hinawakan ni Nate yung batok niya. "No, we just have to be careful." Paalala ko sakanila.

Lumiko sila papuntang parking lot. Wala kang makikitang tao dito at halatang may pinagtatalunan pa sila. Sinenyasan ko yung dalawa na lumapit ng dahan-dahan sa kanila para marinig namin yung pinag-aawayan nila.

"...ayaw mo?" Inis na sabi ni Danna kay Sharina. Si Sharina babes parang wala lang, halatang may iniisip.

"Quen, ikaw ang puntirya nila. Simula't sapul ikaw ang puntirya nila. Yung sa ball, sumunod yung gabing pumunta ang black mask people, yung pinatay ng mga iyon ay ikaw ang pakay. Nakita mo ba kung paano ka sinugod nung lalaki doon nung nakita ka? Kasi simula palang ikaw ang target nila! And whoever this highness is, he's dangerous. So dangerous, dahil alam nila ang pagkatao sa likod ng maskara na tinatawag nilang Reyna ng Dark World, alam nila ang nakaraan mo, at lalo na't nalaman nating may nagpapaikot pala sayo." I gulp to what I'm hearing just now. "Yes you are Quen. Yes you are the so-called Queen of Dark World and yes you are heartless, pero hindi parin sapat iyon para mawala sila, para tantanan ka nila, at para matakot sila sayo. Nakikipaglaro kana kay kamatayan!" Napatingin ako kayna Nate at ganoon din ang itsura nila. Para kaming natatae na ewan tangina!

Tama ba narinig namin? Shit! Si Sharina my baby ang famous Queen ng Dark World? More shit!

"I'll play with death if that's the way to know whoever killed my parents. Highness is just threatening me. 'Ni hindi nga niya magawang magpakita sakin. It'll be fine. I'll take care of it." Pagkatapos sabihin yun ni Sharina bigla siyang napatingin sa pwesto namin. Kung saan nakaharang ang itim na sasakyan.

"I know you're there. Come out or I'll drag you." Madiin yung pagkakasabi niya na halos natataranta ako kung lalabas ba ako o hindi? Tangina nakakabakla!

"Gagu ka kasi pre, bakit ka naman kasi nagpakita? Naiihi na ako sa takot walangya ka!" Bulong sakin ni Nate. Takte, kasalanan ko bang ang lakas ng pakiramdam niya. Maganda nga, kaso mapanganib.

"Exl Bryce Morwell and friends. Come out or I'll shoot you one by one?" Nakarinig kami ng kasa ng baril. Nagsipagtinginan kaming tatlo sabay naggesture sakin na lumabas na. Teka bakit ako una? Nakakabakla talaga ito, ewan ko pero natataranta talaga ako.

"Takbo nalang tayo?" Sabi ni Kevin pero binatukan lang namin siya. Mas lalong mayayari kami kapag tumakbo.

*bang bang* Napatalon kaming tatlo sa gulat dahil sa putok ng baril. Tangina hindi nga nagbibiro. Lumabas ako agad sabay ngiti sa kanya. "Hi Sharina baby." Pero imbis na batiin pabalik, nagpaputok siya sa gilid ko na ikinagulat ko. Medyo lang. Hindi na ako aasang babatiin niya ako pabalik.

"We're you just eavesdropping a while ago?" Napatango lang ako sa tanong niya. She just sighed and put down the gun. "Dase, bring out that two d-ckhead behind that car." Napatingin ako sa dalawa at sinenyasan nang lumabas kaya dahan-dahan silang lumabas sa pagkakatago.

Napatingin ako kay Sharina na malalim na naman ang iniisip. Siguro dahil sa nangyare kanina. Narinig kong siya ang pinupuntirya. Maraming may gustong patayin siya pero wala silang lakas ng loob, yung iba meron pero balewala sa lakas ng Queen. Napailing ako. So all this time, yung nakikita kong babaeng lumalaban sa Dark World arena ay walang iba kundi si Sharina? Totoong nagugustuhan ko siya mga pips. Hindi ko naman siya pagkakainteresan dahil lang sa kuryusidad ko eh. Nabibiling pa naman ako sa matinong lalaki, pogi at macho pa. 3 in 1. Pero hindi ko talaga masikmura na nataranta at kinabahan ako kanina. Or more like natakot. Ako? Leader ng isang napakalakas, nirerespeto at kinakatakutan na gang takot sa isang babae lang? Mehn, bawas kapogian to.

QUEEN OF THE DARK WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon