28. The Truth
Quen POV
Umalis ako ng school pagkatapos ng nangyaring iyon. Hindi ko alam kung bakit pati ang lolo ko dinadamay nila. Isa lamang din siyang biktima. Wala siyang kinalaman sa mga masasamang nangyayare sa buhay kong ito.
Dumiretso ako ng sementeryo para bisitahin ang magulang ko. Tahimik kong binaybay ang daan papuntang libingan nila pagkarating ko.
Kung dati nagiging emosyonal ako kapag pumupunta ako dito, ngayon hindi na. Tanggap ko na na patay na sila. Na hindi na sila babalik. Pero hindi ko tanggap na manatiling humihinga yung taong puno't dulo ng lahat ng ito. Hindi ako titigil hangga't hindi siya nakakapagbayad sa pesteng ginawa niya sa mga magulang ko.
Hinaplos ko ang puntod ng magulang ko at matiim itong tinitigan.
Pinapangako ko, mamamatay ang may gawa nito sa inyo. Mabibigyan ko kayo ng hustisya sa pagkamatay niyo Mommy, Daddy. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang masagana niyang dugo na dumadaloy sa buo niyang katawan. Hindi ako titigil hangga't nakikita ko siyang humihinga. Pagbabayarin ko sila, siya.
Nang gabing iyon umuwi ako sa mansyon. Nagtanong ako sa kasambahay kung umuwi na ba si lolo. Pero hindi pa.
Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya. Wala naman kasi siyang sinasabi saakin.
Umakyat ako ng kwarto ko para magbihis. Hindi ko narin inabalang tignan ang cellphone ko. Pero bago pa ako makapagbihis nahagip ng mata ko ang envelop. Yung envelop na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Black Sparrows, noong mga panahong hindi ko pa sila kilala.
I open the folder and scan what's written inside. Nothing special, alam ko na ito lahat. Napagdudahan ko sila noon. Pero dahil alam kong nasa side nila ako, hindi na ako nanghinala.
Itinabi ko ang folder at pumasok sa bathroom para alisin ang init ng ulo ko.
While showering bumalik sakin ang pinag-usapan namin kanina. Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako agad. Kung mapagkakatiwalaan ko sila. Pero dinamay nila ang lolo ko dito. Kahit na madalas akong walang galang doon ay mahal ko parin iyon. Kung puro lang sila kalokohan pwes akong mag-isang haharap sa highness na yan.
Hindi ko matanggap na noon palang pinaglalaruan na niya ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikitang wala ng buhay.
Lumabas ako ng bathroom pagkatapos kong magpalamig at nagsuot ng komportableng damit. Habang nag-aayos nakarinig ako ng tunog ng sasakyan.
Mukhang si lolo na iyon. Kailangan ko siyang makausap.
Bago ako lumabas ng kwarto sinigurado kong nasa bewang ko lamang ang baril ko pati ang cellphone ko. Kahit nasa bahay ako alam kong hindi ako ligtas. Malakas nga ang seguridad pero mas maayos nang sigurado.
Bumaba ako pero wala akong nakitang bulto ni lolo. Nagtanong ako sa kasambahay namin na halata namang ilag sa hindi ko malamang dahilan.
Pagkasabi niya na nasa office siya nito ay dumiretso ako doon. Likas na sa akin ang magagaang hakbang na halos hindi mo maririnig dahil narin sa nasanay.
Kakatukin ko sana ang pinto ng office ni lolo nang natigilan ako sa narinig kong pagbasag ng isang bagay.
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto.
"Wala akong paki Hidalgo, ang gusto ko ay gawin mo ang lahat para mawala sa landas ko ang mga kaibigan ni Quen. Masyado silang hadlang at hindi nagagawa ng maayos ang plano ko!"
"Inform Jessica to continue her task that I gave to her. Make sure thet she'll succeed. I waited 7 years to complete my plan so don't ever fucking make a mess or I will kill you."
BINABASA MO ANG
QUEEN OF THE DARK WORLD
ActionShe loves to see blood. She loves to kill worthless people. She's like a sexy cold demon sent from hell. She's a titled Queen without her own castle. And she is nothing but a heartless. *** Quen Sharina Caye forget the feeling of love when her paren...