24. Trap

203 18 0
                                    

24. Trap

Quen POV

"Maghanda kayo. Pupunta tayo sa kuta ng mga kumuha kay Mark. Babawiin natin siya." Determinado kong sabi sa kanila.

Dalawang baril. Yun lamang ang kailangan ko para sumugod. Kasalukuyan kaming nagtatago sa iba't-ibang parte ng isang abandonadong gusali. Tanging earpiece lamang ang gamit namin para makapag-usap-usap kami. Iba-iba kasi ang mga pwesto namin gaya ng plano. Kahit yung mga Black Sparrows sumama sa amin.

"Hoy ano ba! Wag ka diyan baka makita ka!"

"Ssshh, hindi nila makikita ang gwapong gaya ko huwag kang mag-alala."

"Mamamatay ng maaga ang mga mayayabang"

Napailing ako nung nag-aaway na naman sina Dase at Nate. Sila kasi ang magkasama ngayon.

"Pre mauna ka, ugly first daw."

"Gagu! Sating dalawa ikaw ang pangit."

"Mas lamang ako ng isang milyong paligo sayo kaya huwag kang mayabang"

"Manahimik nga kayong dalawa! Wala tayo sa sitwasyon ngayon para lang magbiruan."

Napabuntong hininga ako nung nasasagutan din si Steven tsaka Kevin na inawat ni Freya. Sila naman ngayon ang magkakasama.

Tama naman siguro ang ginawa kong pag-gugrupo sakanila diba? Tell me that this plan will never failed! I poker face.

"Queen kamusta diyan? May signs ba kung nasaan si Mark?"

I heard Dase voice. Sinabi ko lang sakanya na wala. Kasalukuyan akong nasa loob ng building. Habang si Bryce na katapat ko lang kaso may isang metro ata ang layo dahil magkaiba kami nang pinagtataguan.

Yung tatlo na sina Freya, Kevin, Steven ay nasa labas nagbabantay. Si Nate at Dase ay kasalukuyang nasa 2nd floor na ng abandonadong gusali na ito. Si Ruka at Chester pinaghiwalay ko. They are our long range. May isang nasa puno at may isang nagtatago na di ko alam kung nasaan yun, pero malamang malayo yun. Kami-kami lamang nandito kaya namomroblema ako.

Imagine? Working with Black Sparrows? Na hindi ko naman dapat dinamay sa gulong ito. But they gave me no choice, they heard my secrets, well not all of it, but they heard some important of it kaya madadamay at madadamay sila. Kung sabagay, makakatulong rin naman sila.

"Someone with the mask is going to enter in the building. Guys, be alert. I think he might be the boss."

Naalarma kami nung sinabi iyon ni Ruka. Mask. Hindi naman siguro siya kasama dun sa mga taong nakamask na pumunta sa Dark World right?

I signaled Bryce that we should enter the room just right beside us.

Pumasok kami sa kwartong iyon. "Where do we find that Mark?" Bryce asked.

"I don't know."

"Queen, walang Mark kaming nakita dito sa second floor."

Pinastand by ko lang sila Dase kasi baka mamaya may importante silang matuklasan sa second floor. Malay lang natin, mabuti nang sigurado.

"Sa tingin mo ba nandito talaga yung Mark na sinasabi mo?" Napatingin ako kay Bryce dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong irereact sa sinabi niyang iyon. In born na ba katangahan neto? Pupunta ba kami dito kung wala dito si Mark? Masasapak ko natong lalaking ito.

"Chill kalang, feeling ko any minute mananapak kana eh. Pero hindi mo ba naisip na baka patibong lang ito? Isang oras at mangangalahating oras na tayo ditong naghahanap sakanya. Wala sa second floor at wala rin naman akong makitang signs na nandito siya sa ground floor." Napaisip ako doon. Maaaring tama siya at maaaring mali siya.

QUEEN OF THE DARK WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon