Final: Queen of the Dark World

449 20 0
                                    

A/N: Warning, almost 6k words! Sorry for grammatical errors and typos. I did not proofread this.
———

Final: Queen Of The Dark World

Third Person's Point View

"You think this will become successful?"

"Of course. The plan's smooth and well made, it will not go wrong unless you'll make a mistake." He saw how her right eyebrow lift.

He laugh and shook his head, "You knew that I will never do that. You wouldn't come to me if you didn't need some help on one of the most trusted person you ever knew."

"Baliw."

Umirap siya at tinalikuran ito. One side of this room is a full glass wall, humarap siya doon at pinanood ang naggagandahang ilaw na nanggagaling sa mga buildings at sasakyan.

"By the way, kamusta sila?"

"Wala parin silang nararamdamang kakaiba, but we assure you that they're safe," they're like bodyguards protecting her precious friends and they can't protest on that since it is her who asked for their favor.

"Magmanman ka lang Axis, hangga't hindi sila lumalabas sa lungga nila, hindi rin tayo susugod," napatango si Axis at magsasalita na sana when three people entered the room and Sienna asks, "when will he going to attack?"

"The final day of the tournament." she answered, "Just make sure everything's running smoothly as we planned."

"Areglado, Queen." sabay sabay nilang sabi.

Everyone's busy as well as Bryce since he's the acting leader. Dahil nalalapit na ang araw ng final tournament ay ginagawa na niya ang lahat ng natitirang trabaho niya. Ayaw niya pa itong pinapatagal para wala na siyang aalalahanin.

One year has passed and yet still no sign of Quen. Ang huling kababalaghang nangyari sa kanila ay hindi na nasundan pa. Halos hindi sila magkandaugaga sa gagawin kung papahanap ba nila siya dahil baka may bakas na naiwan doon o hahayaan nalang kasi susulpot nalang ito kapag gusto na niya. And they chose the latter. But one year, still walang Quen ang humarap sa kanila. Kahit gusto na nilang mawalan ng pag-asa— lalo na si Bryce at Dase ay hindi nila magawa, dahil nararamdaman nilang babalik ito.

Isa pa ang nagdagdag sa problema ng barkada ay si Mister Rowder. Ang taong gagawin ang lahat mapatay lang si Bryce para maging kanya ang trono. Tanga na lang ang hindi makapansin sa mga galaw na ginagawa niya. Nagpapadala ito ng iba't-ibang tauhan para patayin siya o hindi kaya'y kidnap-in ang isa sa mga kaibigan niya para gawing panakot sa kanya pero sa hindi nila malamang dahilan ay hindi nagtatagal ang mga umaaligid sa kanila na ipinagtataka nila.

May mga nabubuong tanong sa kanila pero pinagsawalang bahala muna nila ito lalo na't nalalapit na ang huling tapatan sa Dark World na iginaganap kada paglipas ng tatlong taon. The Ultimate Wipeout, kung saan ang rank 1 hanggang 10 na grupo ay magsasama sa iisang arena at doon sila maglalaban-laban. Matira matibay at matira ay hihiranging rank 1, the strongest. The Trio, Black Sparrows and even Killer's gang, Fire Blaze, ay kasali sa paligsahang ito.

Hindi gaano kaingay ang Dark World ngayon na hindi gaya ng dati na halos lahat ng gangs or gangsters ay nakatambay dito. Panigurado ay nag-eensayo ang mga ito para sa darating na labanan.

Nakatanggap ng text si Bryce galing kay Nate. Bro, bilisan mo na diyan. H'wag mo namang masyadong mahalin yang trabaho mo diyan dahil baka nakakalimutan mo na mag eensayo pa tayo!!! Baka gusto mong paluin ko ang pwet mo diyan totoy!

Minasahe ni Bryce ang noo at nagpakawala ng mahabang buntong hininga. Gago ka matuto kang maghintay kung ayaw mong ikaw una kong pahirapan. Pagreply nito pabalik kay Nate.

QUEEN OF THE DARK WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon