29. Jessica
Quen POV
Malakas na bumukas ang pinto at iniluwa doon ang hinihingal na si Dase kasunod sina Bryce.
"Oh shit, sinasabi ko na nga ba na hindi talaga maganda itong kutob ko." Wika ni Dase at agaran akong dinaluhan na nakaluhod sa sahig.
"Oh my, may tama ka ng baril. Kailangan natin yang magamot."
Wala akong pinansin maski isa sakanila. Napupuno ako ng galit ngayon, galit dahil pinapairal ko na naman ang emosyon ko.
Ito ang nagiging kahinaan ko. Kailangan kong ipakita sa taong iyon na mali siya ng kinakalaban.
"Hey Sharina, are you okay? Look at me." Nabalik ako sa katinuan no'ng boses ni Bryce ang narinig ko.
Tumingin ako sa mga mata niyang puno ng pag-aalala. Kanino? Sa akin?
"What happened?" Tanong nito.
Dumating pa ang iba sa kwarto pati narin sina Freya at Mark na may mga bandages pa sa katawan.
"That man. I thought he is my grandpa. But fuck he's good at manipulating na pati ako nauto niya. I didn't know that I already met the Highness, nakasama ko pa sa iisang bahay."
"Y-you mean hindi iyon ang lolo mo? Kundi yung Highness na hinahanap natin?" Gulat na wika ni Nate.
I nod and tell them what happened while Dase is stopping my wound from bleeding.
Habang sinasabi ko sakanila ang mga nalalaman ko at ang mga nangyari kanina ay may diin at galit sa boses ko.
Ang lalaking iyon ang nagsira at patuloy na sumisira sa buhay ko. Nagkamali siya ng desisyon na buhayin ako dahil sa ginawa niyang ito hindi ako aatras mapatay ko lang siya. Sisiguraduhin kong dadanak ang dugo niya. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya napagbabayaran ang lahat ng kahayupang ginawa niya sa pamilya ko.
Ang mata niyang walang buhay na nakatingin sakin. Ang presensya niyang nagsusumigaw na mapanganib. Ang mga labi niyang may demonyong ngisi. Fuck that man! I fucking wipe his existence in this world. Wala akong ititira ni katiting sa hayop na katulad niya.
Nabalik ako sa ulirat ng may humaplos sa kamay kong mahigpit na nakakuyom.
"Shh baby calm down. I'm here."
I look through his eyes.
Para akong nahihipnotismo dahil lamang sa pagtitig ko sa kanyang mga mata. I hate his smiles and now I also hate his eyes.
Umiwas ako ng tingin at tumayo sa pagkakaupo sa sahig pagkatapos patigilin ni Dase sa pagdudugo ang sugat ko.
"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang umalalay sakin si Dase.
"Sa kwarto ko."
Walang lingon akong naglakad palabas at dumiretso sa kwarto ko. Naupo ako sa kama at pinakatitigan ang hindi kalakihang frame sa dingding malapit sa bintana.
A portrait of our family. My mommy, daddy, lolo, and myself.
I look at the young girl that brightly smiling na parang walang problemang kinakaharap sa mundo. Na walang kamalay-malay na darating ang mala-impyernong lupit ng buhay sa kanya.
I heard a knock pero hindi ko sinagot dahil kusa narin itong nagbukas. Sumilip doon ang ulo ni Dase at tuluyang pumasok sa kwarto.
"Umuwi muna ang iba para kumuha ng gamit. Dito muna kami for the mean time." Nakangiting sabi nito habang papalapit sakin. Umupo ito sa tabi ko at tinitigan ako. "Sasamahan ka namin sa laban mo. Sa ayaw at sa gusto mo matagal na kaming damay sa gulo ng buhay mo dahil kusa kaming nagpadamay. Kaibigan ka namin. Hindi namin hihingiin ang permiso mong manatili kami sa tabi mo, kami mismo ang gagawa because that's what friends do. Huwag kang matakot humingi ng tulong. Oo nga't kaya mong mag-isang lumaban dahil hindi ka tinaguriang Reyna ng Dark World sa wala lang, pero hindi naman masamang magpatulong para sa ikakadali ng lahat. Hindi ka mag-iisang haharapin ang hinayupak na dahilan nang lahat ng ito, nasa likod mo kami at handang bumack-up." Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Feeling ko sa mga oras na iyon lumabas ang lahat ng tinatago kong emosyon na pilit kong tinatakpan dahil ayaw kong maging mahina sa harapan nila. Maraming sumabog na mga emosyon sa dibdib ko. Galit, sakit, lungkot, at pagdadalamhati.
BINABASA MO ANG
QUEEN OF THE DARK WORLD
ActionShe loves to see blood. She loves to kill worthless people. She's like a sexy cold demon sent from hell. She's a titled Queen without her own castle. And she is nothing but a heartless. *** Quen Sharina Caye forget the feeling of love when her paren...