33: Fallen

188 14 0
                                    

A/N: Sorry sa typo at grammar. Medyo lame update. And yes, two to three chapters left I guess?
———

33. Fallen

Quen POV

"Now I can't let you die that easily without telling me where the fuck is the Rosae Mortem."

I inhaled deeply, pilit nilalabanan ang sakit na kumakalat sa buong sistema ko. Nanggigigil ako at gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit pero inuubos niya ang lakas ko. Sino bang hindi manghihina sa daming dugo na kumakawala sa katawan ko?

"Mamamatay akong hindi mo malalaman kung nasaan yun." madiin kong wika.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung nasaan iyon. Ngayon ko lang din kasi naisip ang kahalagahan ng Rosae Mortem. Nawala rin ito sa isip ko dahil kumakalat sa utak ko ang paghihiganti sa pagkamatay ng magulang ko. Kaya hindi ko alam kung sino ang pinagbigyan nito ni daddy para lang itago.

Nahigit ang hininga ko nung mabilis niyang nilapat ang dalawang kamay niya sa leeg ko.

Sinasakal ako ng hinayupak!

"Sinusubukan mo ba ako? Pwes ipapalasap ko sayo ang matinding paghihirap bago ka mamatay. Tutal may mga taong pumasok naman sa isip ko na posibleng may hawak ng Rosae Mortem." demonyo niyang sabi kasabay ng demonyo niyang ngisi. Demonyo nga talaga!

Matalim ko lang siyang tinignan dahil narin sa nahihirapan akong makapagsalita. Atleast mamamatay akong hindi nagmamakaawa sa kanya.

Unti-unting nawawalan ng hangin ang baga ko ng hinigpitan pa niya lalo ang pagkasakal sakin. Madiing kumuyom ang mga kamay ko. Kita ko sa mga mata niya ang galak at galit sa mga mata niya ngunit napalitan din agad ng pagkalito nang biglaang nagbukas ang pinto dahil sa matinding pagsipa.

Isang suntok ang ginawad ni Bryce kay Anton kaya nabitawan ako sa pagkakasakal at malayang huminga ng malalim. Pota akala ko katapusan ko na!

"Ayos kalang Quen? Shet mapapatay ko talaga yang matandang yan!" Dase looked worried at the same time mad.

I saw Axis, Duncan, Glenn, Chester and Nate fighting the five big guys, iyong limang lalaking kasama ng demonyo.

Freya quickly untied me and Dase give back my shirt. Natatarantang pinunit ni Dase ang ibabang bahagi ng shirt niya at ginawang pantapal sa sugat kong dumudugo. Nanginginig pa ang kamay niya habang tinatali ito paikot sa hita ko. Marahan kong hinaplos ang balikat niya kaya tumaas ang tingin niya papunta sakin. Her eyes are filled with worry. We're staring at each other until I smiled at her and a tear escaped from her left eye and eventually smiled.

"I know. I just can't help to worry. Tao ka parin naman kahit tuso ka noh!" napatawa nalang ako ng mahina. This girl, I love her so much, a lot!

"Where are the others?" Napansin ko kasing wala sila Mark, Steven, Seina at Kevin. 

"Hindi ko alam kung saan nagsuot si Mark, si Steven hindi ko rin alam dahil hindi naman natin siya kasama kanina. Seina's with Kevin, dumating bigla si Kevin at sila ang humarap sa mga tauhan ni H." paliwanag ni Freya na nasa likod ko. Napatango na lamang ako bilang tugon.

Mabilis napatumba iyong limang malalaking lalaki, habang si Bryce ay nakikipagtitigan ng masama kay Anton.

"Oh, acting a knight in shining armor 'eh?" ngising sabi ni Anton. "Kung nakamamatay lang siguro ang tingin kanina pa ako namatay kaso—" mahina pa siyang natawa habang umiiling, "—ganito siguro talaga kapag lumaki sa bahay ampunan ano?" malawak na ang kanyang ngiti ng sinabi niya iyon.

Nagulat kami noong biglang sinuntok ni Bryce si Anton. Sa lakas ng suntok napahiga si Anton at nagdugo ang ilong pero nakangisi parin na parang nang-aasar pa.

QUEEN OF THE DARK WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon