32. Snake Against The Queen

175 15 0
                                    

A/N: I decided to change the title of this story from Heartless Queen to Queen Of The Dark World. Too common na kasi Heartless Queen, hindi ko alam ba't yun ang title ko. 🙄 I guess 'young' me is nakikisabay sa uso. Lol. Happy Reading hehe.
———

32. Snake Against The Queen

Quen POV

"Daddy what's that?"

Napahinto si Daddy sa pagpupunas ng isang matalim na bagay. Tama lang ang haba nito na gaya sa dagger na lagi kong nakikitang gamit ni Mommy, ngunit kakaiba itong hawak ni Daddy.

Sumenyas si Dad na lapitan ko siya kaya lumakad ako papalapit sa kanya. Nang makalapit ako ay hinawakan niya ako sa bewang para iangat at ipirmi paupo sa hita niya.

Pinakita niya sakin iyong hawak niya. Namangha ako sa kakintab at kakinis nun. Para itong espada ngunit maliit ang hugis nito, hindi gaya ng espada na mahaba. Kulay itim ang hawakan nito na may pulang rosas na nakaukit paikot.

"See this—" pinakita niya sakin ang kintab nito na mas lalo pang kumikintab gawa ng maliwanag na ilaw, "—ang dagger na ito na tinatawag na Rosae Mortem ay ang simbolo ng pagiging hari ko sa Dark World anak, simbolo rin ito ng pamilyang Caye, at balang araw mapupunta ito sayo."

Minulat ako ni Daddy sa kung ano kami, kung ano ang pamilya namin, at kung ano ang tungkulin ko. Sinabi niya sa akin ang kanyang mga karanasan noong bata pa siya habang ineensayo siya ni lolo sa kadahilanang siya ang susunod na titingalain at tatanghaling pinuno sa Dark World. Pero kahit na ganoon ay hindi parin niya nakakalimutan ang tungkulin niya bilang isang ama at asawa.

"Kailan mapupunta yan sakin daddy?" kuryosong tanong ko.

Inilapag ni daddy ang dagger na hawak at iniharap ako sa kanya. Ngumiti siya at ginulo ang aking buhok.

"Kapag malaki kana at malakas, ibibigay ko sa iyo 'yan."

"Pero Dad I'm a grown up woman now, tsaka malakas na po ako. I can even punch and kick some girls na po," Dad laughs at me and pinched my cheeks.

"You're just 11 years old sweetie, and you're still my baby girl," I pout.

Dad sighed and looked at me, "You're still young and you still have many years to practice. Hindi madali ang posisyon ko anak. Mapupunta sa iyo ang Rosae Mortem kapag kaya mo ng harapin ang lahat ng magiging responsibilidad mo sa Dark World, at kapag matapang mo ng tinanggap sa puso mo ang pagiging Caye. Hindi madali ang posisyon ng pinuno anak. Ngunit ikaw ay isang Caye, dumadaloy sa dugo mo ang isang matapang at walang kinakatakutang pinuno, kaya alam kong makakaya mo iyon pero hindi pa ngayon."

I saw how my daddy smiled at me like he's so proud of me kahit wala pa naman akong napapatunayan. He always motivated me kapag nag-eensayo ako. Nasa dugo ko na nga ata talaga iyon, dahil uhaw na uhaw akong lumakas at lumaki para maging isang kagaya ng daddy ko. Pursigido akong nagsasanay na halos wala na akong pahinga, hanggang sa kinausap ako ni dad.

"Anak, tandaan mo, nariyan lang ang posisyong kakaharapin mo pagdating ng panahon, pero ang pagkabata ay mawawala iyan. Enjoy your youth anak, pwede ka parin namang magsanay pero h'wag mong kalilimutang bata ka parin. Never forget that life has limitation, enjoy it while you still can."

The following days, dad became busy. Siguro dahil sa pagiging isang pinuno niya ay kaya siya nawawalan ng oras sa amin pero hindi naman kami nagrereklamo. Mommy and I understand him so much. Knowing dad, hindi niya nakakalimutang paglaanan kami ng oras ni mom, pero siguro nga ay may kinakaharap siya sa Dark World kaya siya naging busy ngayon.

QUEEN OF THE DARK WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon