7 ~ Horror House (SPG)

231K 5.3K 158
                                    

Chapter Seven

NATAGPUAN ni Hon-Hon ang sarili sa sikat na amusement park sa isang Siyudad sa Laguna. Mula Manila ay halos isa't kalahating oras nilang binaybay ang lugar papunta do'n gamit ang sasakyan ni Z—or she must say Neil. Yes, that is his real name. Z was just his nickname for a stranger.

"Do you like adventure?" Neil asked. He was standing next to her. His eyes were busy looking around the place.

It's Sunday afternoon, its a family day. Nakakakita rin siya ng mga grupo ng kabataan na sa wari niya ay magkakaibigan tapos ang iba naman ay mga couple. Napatingin siya kay Neil, nagdi-date ba sila? Date bang maitatawag ang ginagawa nila?

Nagbaba ito ng tingin sa kanya ng maramdaman ang titig niya kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. She suddenly felt uncomfortable every time Neil look at her. Hindi niya na kayang tapatan ang mga titig nito, might afraid that he could read her and her true feelings for him.

"Adventure?" Balik tanong niya. "Yes, I like adventure. It's thrilling."

"It is."

Iginaya siya nito papasok ng makabili na ito ng ticket. Naglakad-lakad muna sila saglit bago huminto sa isang tila haunted house at hindi siya mangmang para hindi malaman ang nais na gawin ng binata.

"P-papasok tayo?" Napahawak siya sa matigas na braso nito. That hard warm arms that embraced her every time she felt scared before.

No wonder why she felt safe when he's just around, with his hard muscles and his secret skills in shooting a person from afar? It's two of her reason why being with him she found her safety. Besides, Neil made her feel that as long as she is with him, no one could hurt her.

"Why not? Scared?"

"Dalhin mo na ako sa giyera, huwag lang sa mga multo."

"They aren't real."

"Kahit pa!"

"Talagang mas gusto mo sa giyera kesa pumasok diyan?" Turo nito sa horror house.

"Kasama kita sa gitna ng giyera kaya  hindi ako natakot." Pag-amin niya.

Kung hindi dahil kay Neil at kung hindi ito dumating noon sa bahay ni Gia, hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya. Iniligtas siya nito sa kapahamakan na nag-aabang sa kanya noon sa Zamboanga.

Neil is a blessing from God above.

"Kasama mo pa din naman ako, honey." Nakanguso na bumitaw siya sa braso ni Neil. She really like it when he called her honey. It sounds so special to her. "Tayong dalawa ang papasok sa loob. Natatakot ka pa din ba?"

"Ahmmm..."

"Kapag natakot ka, pwede mo naman akong yakapin." Idinipa pa nito ang mga braso. "Free hug for you."

"Sira!" Pinalo niya ito sa dibdib na ikinatawa nito.

"Guwapong siraulo?"

It's her turn to laugh. "Yes, guwapong siraulo nga."

"You found me handsome?"

Huli na ng mapagtanto niyang sumang-ayon siya na guwapo ito, though totoo naman talaga. Lalo na ngayong wala itong balbas. Mas malaya niyang napagmamasdan ang mukha ng binata.

"Sinasabi ko lang kung ano 'yong nakikita ko."

"Nakikita mong guwapo ako?"

Pinipigil niya ang ngiti niya dahil sa reaksyon ng binata, para bang napaka big deal para dito kung ano ang tingin niya dito. Hindi niya naman ipinagkakaila na una pa lang ay attracted na siya kay Neil at hindi nagbago ang damdamin niya kahit pa hindi siya sigurado noon kung makikita niya pa ba ulit ito. Hindi niya pinigilan ang pagtingin niya sa binata at ngayon na nagkita ulit sila, may ibig sabihin ba ang lahat ng ito?

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon