15 ~ Question

136K 4K 123
                                        

Chapter Fifteen

ANG MAHABANG byahe kasama si Neil ay isa mga byaheng gusto ni Hon-Hon ulit-ulitin dahil iyon lang ang byahe na hindi man lang siya nakaramdam ng pagka-inip. Their laughter of joy echoed around the car because of their nonsense jokes. Nonsense yet it's funny and it made her heart happy.

Magtatakip-silim na ng binaybay nila ang isang Syudad sa South Luzon, kahit maaga sila nakaalis sa Manila ay hindi pa din nila natakasan ang traffic sa Edsa.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Maya-maya ay tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana na pawang kulay berde na tanawin lang ang nakikita niya.

"To my mother's hometown."

Humampas ang malamig at preskong hangin sa mukha niya ng marahan na bumaba ang bintana sa gilid niya. Dinama niya ang simoy ng hangin pansamatala at kaagad din na nilingon ang binata ng mag sink in sa kanya ang lugar na naghihintay sa pagdating nila.

"Your m-mother's hometown?" Neil nod his head coolly. "P-papunta tayo sa bahay niyo?" Biglaan ang kaba na dumagan sa kanya sa ideyang iyon ngunit mukhang wala naman itong pakialam.

"Yes," at mas lalong kumabog ang dibdib niya sa konpirmasyon nitong walang kaabog-abog.

Hindi siya handa. Hindi niya akalain na sa bahay ng mga ito ang tungo nila, akala niya ay mamamasyal lang sila ni Neil, silang dalawa lang. Bakit siya dadalhin ng binata sa bahay ng magulang nito? Kinakabahan talaga siya sa ideyang iyon.

"Ah, eh..." Napapangiwi siya. "Hindi mo naman ako sinabihan agad na do'n ang punta natin, Neil."

Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan at ramdam niya ang pasulyap-sulyap sa kanya ng binata ngunit hindi niya sinusubukan na salubungin ang mga mata nito. Hinahayaan niya lang na hampasin ng hangin ang mukha niya kasama ang buhok niya.

"Ayaw mo ba?" Mababa lang ang boses nito na mahihimigan ng kaunting pagkabahala.

"Hindi naman sa gano'n pero parang..." Humugot siya ng hangin sa dibdib. "Kinabahan ako bigla eh."

Marahan na natawa si Neil. Animo nasiyahan sa narinig mula sa kanya. Tignan mo itong lalaking ito, kinakabahan na siya lahat-lahat ay tuwang-tuwa pa din sa sitwasyon niya.

"Bakit ka naman kakabahan?"

"Kasi—"

"We're here." Anunsyo nito na mas lalong nagpakaba sa kanya.

Inihinto nito ang sasakyan sa may kalakihang bahay na napapaliran ng iba't-ibang uri ng halaman at iilang punong kahoy na nagsisilbing lilim sa buong lupain. Sa hindi kalayuan ay tanaw niya ang malawak na berdeng-berdeng palayan at matataas na puno ng niyog. Ramdam na ramdam niya ang masarap na atmospera sa paligid na sa mga probinsya lang mararamdaman.

Narinig niya ang pag-unlocked ng mga pinto ng sasakyan ngunit hindi talaga siya makaalis sa inuupuan niya. Mahigpit na magkasiklop ang mga palad niya na nakapatong sa kanyang hita.

"Ma'am! May bisita po tayo!" Naagaw ang atensyon nila ng may lumabas na babae sa mayor na pinto ng bahay, palagay niya ay nasa singkwenta anyos na ito. "Ma'am! Si sir Neil po! Nandito Ma'am!"

Maya-maya lang ay lumabas ang isa pang babae na makikita ang pagkabigla nang makita si Neil ngunit kaagad din napalitan ng pangungulila sa magandang mukha ng talagang mapagsino ang hindi inaasahang bisita. Maaaring ito ang ina ng binata.

"Neil? Anak?" Palapit ng palapit sa kanila ang ilaw ng tahanan ng bahay na iyon. "Anak ko... ikaw nga!" Mula sa nakabukas na bintana ni Neil ay niyakap ito ng ina. Ang luha ay patuloy na umaagos sa pisngi.

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon