23 ~ To Be Happy

160K 4.1K 198
                                        

I just wanna say Hello to, Miles Gentican Bumanglag, Althea Zulueta, Ghieann Stoya Ugay, Joy Ordovez Bandin, Jee Eem, Ichee Bendo Rosel, Limadah Mou Akira Bonleon, hotmonica
and Cielo Cornejo. 💗

Chapter Twenty Three

NANINIWALA din talaga si Neil na nakatadhana na mangyari ang pagkikita nila? Kung hindi man, bakit hanggang ngayon ay magkasama pa din sila? Siguro, ay totoong nakaguhit na sa palad nila na magtatagpo ang landas nila sa tamang pagkakataon.

Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya dahil sa ideyang iyon. Sumasaya ang puso niya sa pareho nilang pananaw sa pakakakilala nila.

"Sir, Ma'am, pumasok na daw po kayo sa loob sabi ni Madam." Si Lucy na iniabot sa kanya ang dalawang tuwalya, ang isa ay ibinigay niya kay Neil.

"Sige, susunod na kami. Salamat, Lucy." Magalang na umalis ulit ang babae, pabalik sa loob ng bahay.

"Pumasok na din tayo sa loob. Alam kong nilalamig ka na talaga." Aya sa kanya ng binata, nagpupunas ng sariling katawan gamit ang puting tuwalya.

"Naniniwala ka din talaga na nakatadhana na magkrus ang landas natin?" Hindi niya pa din mahamig ang sarili sa ideyang iyon.

Pinipigil ang ngiti nang balingan siya ng binata. Sa mukha lang nito siya nakatingin, nangangamba siyang makita nito kung paano niya pasadahan ng tingin ang matipuno nitong pangangatawan.

Tipid na ngiti lang ang sagot ni Neil saka lumabas ito ng sasakyan, umikot sa side niya at binuksan ang pinto niya. Wala na siyang nagawa kundi lumabas na din. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay.

"Ano ba naman kayong mga bata kayo. Bakit kayo nagpakabasa sa ulan?!" Napangiwi siya at napayuko sa galit pero nag-aalalang ina ni Neil.

"Ma, hindi na kami mga bata."

"Bata o matanda, tinatablahan ng sakit, Neil!"

"M-magbibihis na po ako. Excuse me." Magalang na iniwan niya ang mag-ina at pumanhik sa silid niya.

Naligo kaagad si Hon-Hon, nagbihis at nahiga sa kama niya. Mula sa bintana ay tanaw niya ang walang patid na ulan. Sana ay tumila iyon kahit papano para makabalik na sila sa Manila kinabukasan. Gusto niya na din makasama ang magulang niya.

Hindi niya na namalayan na kinatulugan niya na ang pag-iisip sa pag-ayos ng panahon.

"SIR, hindi po sumasagot si Ma'am Hon-Hon, tulog po yata." Imporma kay Neil ni Lucy ng utusan niya itong tawagin ang dalaga upang sabay silang maghapunan.

"Naka-lock ang pinto ng silid niya?"

"Opo Sir."

"Pakikuha ang susi ng silid niya." Kaagad naman na tumalima si Lucy, siya naman ay inilagay na lang sa trey ang pagkain upang ihatid kay Hon-Hon.

"Ito po, Sir." Inabot sa kanya ni Lucy ang susi. Kinuha niya iyon at pumanhik na sa pangalawang palapag ng bahay.

Ilang katok muna ang ginawa niya, nang walang sumagot, do'n niya na binuksan ang pinto gamit ang susi. Naabutan niya si Hon-Hon na namamaluktot na nakahiga sa kama, hindi na makita ang mukha nito dahil balot na balot ng kumot. Inilapag niya ang trey sa side table bago naupo sa gilid ng kama.

"Honey..." Marahan na tinapik niya ito sa balikat. "Kumain ka muna." Umungol lang ito, tunog ng may dinaramdam.

Ipinasok ni Neil ang kamay sa loob ng kumot, agad na dumampi sa palad niya ang malambot ngunit mainit na balat ng dalaga, kinain siya ng pagkataranta.

"Hey, wake up." Kinapa niya ang leeg at noo ni Hon-Hon, napakainit niyon. "Fuck..." Mura niya at nagmamadaling lumabas ng silid.

"My kailangan ka hijo?" Tanong sa kanya ni Aling Yolly nang maabutan niya sa kusina.

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon