3 ~Sniper

159K 5K 207
                                        

Chapter Three

PUMASOK sila ni Z sa teresa sa likod ng bahay, kung saan mga gamit panglaba ang naroon. It's Gia's washing room. Kulob ang maliit na apat na sulok na iyon pero sapat na para makagalaw sila pareho ng lalaki.

He slowly locked the door, avoiding making any noise that may cause people from outside would hear.

"Why are we hiding?" She asked, whispering.

"Someone entered the house."

Her eyes widened in both shocked and worried about their safety.

"A-anong gagawin natin?" Nag-umpisa na siyang pagpawisan dala ng pag-aalala at mainit na paligid.

"Just shut your pretty little mouth, honey. That's all you need to do."

Marahan na tinakpan niya ang bibig gamit ang kamay at tahimik na naupo sa gilid. May kaba sa pa rin sa dibdib niya pero sa isipin na kasama niya ang lalaki, nababawasan ang kaba na iyon. She suddenly felt safe seeing that he's just around, thinking that Z would protect her from danger that could happen any moment.

He seated behind the door. He expertly assembled his sniper rifle. Maingat ang bawat galaw nito. Ilan sandali pa ay pumosisyon ito, padapa mula sa maliit na siwang sa ibaba ng pinto, sinisipat kung ilan ang taong nakapasok sa bahay.

"Don't make any noise. Okey?" He mouthed, she nodded her head as she understood what he had said.

"Walang tao! Clear!" Ang mataas na boses na iyon mula sa labas ang nagpalaki ng mata niya. "Buksan mo lahat ng pintuan! Para makasigurado tayo! Galing sa direksyon na ito ang sniper ng mga militar!"

Nilingon siya ni Z. "Lalabas ako."

"Ano?!" Pigil ang boses niya. "Huwag mo akong iwan dito!"

Umayos ito ng upo. "I need to make sure kung ilan sila. I don't like to be a fish and get caught by a fishermen without fighting."

"Don't leave me here!"

"Babalik ako, okey?" Matiim ang titig nito sa kanya. Nakaka-kaba ng dibdib.

Umiling siya. Hindi kumbinsido. "Sasama na lang ako sa iyo."

Ang malamlam na mata nito ay bahagyang nagalit. Ang panga nito ay nagtatagis. Nangangamba man na marahil ay nagagalit ito sa kanya, pero hindi niya ito talaga hahayaan na iwan siya nitong mag-isa.

"Gusto mo bang habulin ng bala ng baril? Gusto mo na bang mamatay?" He walked closer, the more he gets closer the more she couldn't stop her heart from beating fast.

"A-ayoko pa p-pero ayokong maiwan dito ng mag-isa."

"Mas ligtas ka dito kesa sumama sa akin. Gagawin mo lang mas lalong komplikado ang trabaho ko kung nakabuntot ka sa akin."

"P-paano kung hindi ka na bumalik? M-mag isa na lang ako dito! Ayoko!" Nag-uumpisa ng lumabas ang pagka spoiled brat niya. "Sasama ako sa iyo!" Mahigpit niya itong niyakap upang iparamdam dito na hindi siya payag sa gusto nito.

"Woman," May diin sa boses nito ngunit wala siyang pakialam.

Ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa mga braso niya, marahan siyang inilalayo mula sa pagkakayakap. At least, nararamdaman pa rin niya ang gentleness nito kahit pa halatang nagtitimpi lang ng galit at frustrasyon.

"Sasama ako!"

Z let out a very frustrated breath. Kabiguan dahil sa pagkatalo sa hindi niya malaman na dahilan.

"You will be the death of me, honey."

"At least magkasama tayong m-mamatay!"

"Hindi ko hahayaan na mangyari 'yan, pero kung hanggang dito na lang ang ilaw ng kandila natin, wala na akong magagawa diyan kundi tanggapin ang kamatayan."

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon