Chapter Five
WALANG ideya si Hon-Hon kung anong oras na ng gisingin siya ni Z, ang kapaligiran ay madilim pa rin at binabalot ng puting usok. Nakauklo ito sa kanya, nakasuot na sa likod nito ang bag nito, tila handa na namang lisanin ang lugar kung nasaan sila. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa lagay na iyon. Wala na rin siyang naririnig na pagsabog at putukan. Bahagya siyang nag-unat bago bumangon.
"Bakit?" Inaantok na tanong niya.
"Aalis na tayo. Tumigil na ang mga pagsabog. Samantalahin natin ang pagkakataon na ito bago pa magliwanag ang paligid."
Nagkukumahog na inayos niya ang sarili at walang sabi-sabing inangkla ang kamay sa braso ng binata. Madikitan niya lang ito, dama niya na ang kaligtasan niya. He suddenly became her strength. He gave her hope that her life wouldn't end that fast like she thought before. As long as she is with him, she will be safe. See, he is really a gift from heaven to her.
"Tara! Umalis na tayo."
Katulad kanina ay maingat lang din ang kilos nila ng nilisan ang bahay na hindi niya alam kung kanino. Maya-maya lang ay huminto si Z sa paglalakad. Nagtataka na tinignan niya ito. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa nito. Tumingkayad siya upang mabasa ang text message.
Umalis ka na sa lugar na 'yan ngayon din. Alas sais ng umaga ay aatake sila sa south bound. Mag-iingat ka.
Kaagad na binura ni Z ang mensahe na galing sa hindi nakarehistrong numero matapos nito iyong mabasa at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa.
"Who's that?"
"Hindi mo dapat binabasa ang mensahe na hindi para sa iyo. That's rude." Umusli ang nguso niya sa sinabi nito. Ang sungit.
"Why did you deleted the message?"
"Para walang ebidensya."
MAGLILIWANAG na ng sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang mga lalaking naka-uniporme ng pang sundalo, may mga nakasukbit na armalite sa mga ito at iba't-iba pang klase ng baril. They are fully shield and all are ready to fight. The dedication, determination and love for their job are very visible as they stand the ground to protect people.
Habang naghihirap ang mga sundalo na sugpuin ang mga rebelde, mas lalong tumitindi naman ang respeto ng mga tao para sa mga ito. Wala na siyang maisip pang mas matapang na nilalang na handang magbuwis ng buhay para sa bayan kundi ang mga sundalo lang.
"Sir-ummm!" Hindi niya na natuloy ang pagtawag sa mga ito dahil mabilis na natakpan ni Z ang bibig niya.
"Hindi mo kailangan sumigaw." Tinapik niya ang kamay nito at inis na tinignan. Ang aga-aga sinusungitan siya. "Siya nga pala, may hihingiin akong pabor sa iyo."
"Ano iyon?"
"Promise me that you will never say a thing about me." Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Kung sinoman ang magtanong sa iyo kung paano o bakit ka nakaligtas sa gitna ng bakbakan, sabihin mo sariling sikap mo lahat ng 'yon."
"Bakit?" Mahina ang boses niya. Ramdam niya na ang pamamaalam nila sa isa't-isa. "Bakit hindi ko pwedeng sabihin na tinulungan mo ako?"
"Itago mo na lang sa sarili mo ang tungkol sa akin o kaya ay kalimutan mo na lang."
Tahimik siyang tumango. "O-okey, pangako, hindi ko ipagsasabi ang tungkol sa iyo at sa pagtulong mo sa akin. Pero hindi ko maipapangako sa iyo na kakalimutan kita."
Hindi niya magagawang basta-basta na lang kalimutan ang binata lalo pa't ito ang nagsilbi niyang tagapagligtas. Ni hindi niya pa mga alam kung paano ito pasasalamatan.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Ficción GeneralWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...