18 ~ Possessiveness

164K 4.1K 263
                                    

Chapter Eighteen

NAPILITANG dumaan sa bintana ng silid ni Hon-Hon si Neil upang makabalik sa sarili niyang silid. Kung paano siya napapayag ng dalaga na gawin iyon ay hindi niya na alam. Ayaw kasi nitong sabay silang lumabas ng kwarto, in short, ayaw nitong mapag-usapan. Iyon ang hinuha niya.

Napailing-iling na lumabas siya ng bathroom at sakto naman na tumunog ang message tone ng cellphone niya. Kinuha niya iyon sa kama at binasa ang mensahe na galing sa hindi nakarehistrong numero.

'Tanya Rodriquez? Does a name ring a bell?'

Tumiim ang bagang niya at may hint na agad siya kung sino ang sender. He type a reply.

'Fuck off. My answer is still no, moron!' Sent.

Mabilis na isinuot niya ang damit at khaki shorts. Napatingin ulit siya sa cellphone ng tumunog iyon.

'Why don't you move on with your painful past and work your ass off again?'

Hindi na napigilan ang sarili at idinial ang numero. Ilang ring lang ay sumagot na ito.

"Yes Mr. Perez?" Nang-uuyam ang kabilang linya.

"My answer is still no! Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi na magbabago ang desisyon ko." Malamig na sabi niya, kinokontrol ang galit.

He turned off his cellphone and threw it on bed, hindi na hinintay pang makasagot ang lalaki.

Nagbabaga sa galit ang mata niya habang pababa ng hagdan at mas lalong nadagdagan iyon ng madatnan niya si Hon-Hon at Carter sa sala na masayang nagtatawanan. Hindi niya na na-control pa ang sarili at sinugod ang kaibigan ng bahagyang ilapit nito ang mukha sa dalaga.

"Fuck! Fuck!" Sunud-sunod na mura ni Carter habang sapo ang panga na sinuntok niya. "What's your fucking problem?!"

Tumiim ang bagang niya. Kagabi pa hindi maganda ang timpla niya para sa kaibigan, hindi niya gustong nadidikit ito kay Hon-Hon.

"Neil..." Nakahawak sa braso niya ang dalaga.

"Get out!" Mahina pero madiin na utos niya kay Carter.

"Anong nangyayari dito?" Naguguluhan na dinaluhan ng ina niya ang kaibigan.

"Tita, bigla na lang nanununtok si Neil."

Malalim itong bumuntong hininga at tumawag ng isang kasambahay upang kumuha ng yelo dahil dumudugo ang gilid ng labi ng kaibigan niya.

"Hon-Hon, please, ilabas mo muna si Neil ng makalanghap ng sariwang hangin. Ang aga-aga ang init ng ulo."

"Sige po." Marahan na iginaya siya ng dalaga sa labas ng bahay nila. Naupo sila sa pahabang kahoy na upuan sa ilalim ng puno ng mangga, sa bandang gilid ng kabahayan.

Tahimik lang sila pareho. Hindi siya nagsasalita dahil pinapahupa niya pa ang galit niya. Galit niya sa lalaking nagbukas ng usapan tungkol kay Tanya at galit niya kay Carter na napapalapit kay Hon-Hon kahit sinabihan niya ng lumayo. Napuno na siya.

"Iwan mo na ako dito."

"Ayoko." Mariin siyang napapikit sa katigasan ng ulo na naman ng dalaga. "Dito lang ako, sasamahan kita hanggang sa humupa 'yang galit mo."

"Tapos kapag humupa? Makikipagtawanan ka na naman kay Carter?" May himig na sarkasmo sa boses niya.

"P-promise. Hindi na ako makikipag-usap sa kanya. Huwag ka ng magalit." Kahit alam niyang nag-aalangan ito ay nakuha pa din na isandal ang ulo sa balikat niya. "Sorry na..." At sa dalawang salita na iyon, parang baha na tinangay ang galit na nararamdaman niya.

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon