Chapter Twenty
"I MISSED baby Z..." Malungkot na nakatingin siya sa malaking teddy bear na kulay navy blue. Nasa peryehan sila ni Neil. "I missed hugging her..." That navy blue Teddy bear reminds her of their baby Z. She sighed sadly.
Kaninang umaga nang matapos si Neil tumulong sa pagsasaka ay nagpunta sila sa simbahan upang saksihan ang pagdating ng mga santo na galing sa parada. At nang mag tanghalian naman ay bumalik na sila ng bahay upang kumain kasama ang ibang mga bisita, mga kasambahay at mga katuwang sa negosyo ng pamilya, iyon ay ang palayan.
Ang pamilya Perez ay nag-aangkat ng bigas sa Manila at sa iba pang lalawigan ng Quezon Province, kung nasaan sila ngayon. Nalaman niya lahat ang mga 'yon ngayong araw lang nang ibahagi sa kanya ni Neil. Kaya pala malawak ang lupain ng palayan ng mga ito.
"We could buy another big Teddy bear if you miss hugging baby Z." Si Neil na mukhang nababahala sa itsura niya.
Nakalumbaba na siya sa lamesa. Nagpahinga lang siya saglit dahil kanina pa panay ang lakad nila. Sumakit na ang mga paa niya.
"Iyon na lang kaya?" Itinuro niya ang navy blue teddy bear.
Kung paano nila naiuwi si baby Z, mukhang gano'n din ang gagawin nila para maiuwi ang navy blue bear. Babaril na naman ng mga laruan, pero this time mga maliliit na baboy na laruan ang dapat patumbahin.
"Gusto mo 'yon?" Malambing ang boses ni Neil. Tumango-tango siya. "Okey, i-uwi natin ang teddy bear na 'yon."
Lumapad ang ngiti niya at nagmamadaling kuminyapit sa braso ni Neil. "Tara!"
Nagpunta sila kung nasaan ang teddy bear. Kaagad naman silang binigyan ng atensyon ng nagbabantay.
"Sir, subukan mo na...para sa girlfriend mo."
Pasimple niyang sinulyapan ang binata kung ano reaksyon nito, palagi talaga silang napagkakamalan na magkasintahan eh. Nasanay na lang siya, ewan niya lang kay Neil. Sanay na rin yata ito, wala naman siyang nakitang negatibong ekspresyon sa mukha nito.
"Paano namin makukuha ang malaking teddy bear na 'yan?"
"Madali lang, Sir." Lumapit ang nagbabantay sa mga target. "Patumbahin niyo lang itong mga baboy ng walang mintis."
"Kayang-kaya mo 'yan, hon!" Natutuwang sabi niya kay Neil. Nangingiti naman sa kanya ang peryante.
"Gusto mo, Madam, ikaw muna ang sumubok bago si Sir." Suhestiyon pa nito.
Nag-isip siya saglit. Wala naman siyang alam sa pagbaril hindi tulad nitong kasama niya. Sisiw lang dito ang pagpapatumba sa target.
"Pwede din, hon." Tumango-tango si Neil, hinihimas ng hinlalaki nito ang ibaba ng baba habang nakatingin sa mga target, tila sinusukat ang pagitan ng bawat baboy na laruan. "You should try it."
"Pero..."
"There's no harm in trying, honey. Always remember that."
"Hmm! Sige na nga!" Inilahad niya ang kamay. "Give me the gun, Kuya."
Nagkukumahog na kinuha ng peryante ang pellet gun at ibinigay sa kanya. Kinuha niya iyon at nagpapa-cute na nginitan si Neil.
"What's with that smile, Miss Honesty?"
"Help me... Please, hon..." She said, batting her eyelashes. Nakita niyang simpleng kinagat nito ang pang-ibabang labi, tila pinipigilan ang mapangiti.
"Sure."
Pumuwesto ito sa likuran niya at mula sa gilid ng bewang niya ay dumulas ang kamay ni Neil papunta sa tiyan niya tapos ay marahan na hinapit siya palapit dito. Ramdam niya ang matigas na dibdib at tiyan nito sa likod niya.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
General FictionWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
