11 ~ Forbes Hotel (SPG 2/1)

216K 4.6K 469
                                    

Chapter Eleven

TATLONG araw ang tiniis ni Hon-Hon bago niya muling nasilayan ang mukha ni Neil. Paalis na sana siya upang kumain sa labas ng may mag doorbell at ng pagbuksan niya ay ang gwapong ito ang sumalubong sa kanya. Ilan minuto silang nagtitigan, naramdaman niya ang pagkamiss sa binata. Ang puso niya ay tumitibok sa biglaang pangungulila dito.

"May lakad ka?" Neil asked, scanning her body with his dark mysterious eyes, making her tremble.

Napakurap siya. Bakit ba nakakapaso ito tumingin? Batid niya man ang itinatagong lihim sa likod ng malamlam nitong mga mata ngunit hindi pa din nag-iba ang emosyon na kaya nitong ibigay sa bawat titig nito sa kanya.

"K-kakain sana ako sa labas."

He pursed his lips. "Let's eat then?" Panandalian niya muna ulit itong tinitigan. Wala na ang lungkot sa mga mata nito o baka naitago na naman sa kanya? Gayon pa man, masaya siya na makita na hindi na ito nalulungkot. "Look, I became busy this past few days kaya hindi ko nagawang puntahan ka dito. I am here now, babawi ako sa iyo, honey."

Kinagat niya ang loob ng pisngi upang hindi mapangiti. Nagpapaliwanag ba ito sa kanya? How sweet!

"Akala ko nakalimutan mo na ako." Biro niya.

"No, no, na-busy lang talaga ako."

Tahimik lang siyang tumango at tuluyan ng lumabas sa unit niya. "Pwede mo akong samahang kumain?"

"Sasabayan pa kita." Neil held her hand and guided her to elevator.

Hanggang sa makalabas sila sa mataas na gusaling iyon ay hindi pa din nito binibitiwan ang kamay niya. Wala naman din siyang pakialam kung may napapatingin man sa kanila lalo na sa lalaking kasama niya na hindi maipagkakailang malakas ang dating.

Sumakay sila sa nakaparada nitong sasakyan sa tapat ng building.

"What made you busy?" Hindi niya naiwasang itanong habang umaandar ang sasakyan.

"Naghanap ako ng bagong matitirahan."

"Nakalipat ka na ba?" Sinulyapan niya ito. He's wearing his black sunglasses. It made him looks mysteriously handsome.

"Yes,"

"Saan?"

Bahagya nitong ibinaba ang sunglasses bago siya sinulyapan. "Why asking, honey? Balak mo ba akong bisitahin?"

"Hindi ha!" Mabilis niyang kaila tapos ay humalukipkip. Ang lakas din talaga ng tiwala sa sarili ng lalaking ito.

Kanina niya pa napapansin na madalas itong napapatingin sa rear view mirror. Tila ba may sinisipat mula sa likod kaya tuloy napasulyap din siya. Iilang sasakyan ang nakasunod sa kanila pero isang kulay silver na sports car ang tumawag ng pansin niya. Ang mga gano'ng uri ng sasakyan ay bihira makita sa pampublikong lugar.

"Someone is following us." Neil murmured while looking at rear view mirror for the ninth times.

"Huh?"

"I need to change our direction to make sure."

Wala na siyang nasabi pa ng biglang nag u-turn si Neil dahilan para bumalik sila sa nadaanan na nila.

"Baka naman mali ka lang ng inaakala." Inayos niya ang seat belt niya.

"Who are you?" Sambit ng binata habang pasulyap-sulyap sa side mirror at ng tignan niya ang likod nila ay nakasunod sa kanila ang silver na mamahaling sasakyan.

"Nakasunod siya sa atin." Hindi na naman nagsalita si Neil bagkos ay binuksan nito ang maliit na compartment sa ilalim ng dashboard at may inilabas na baril do'n. "N-Neil, b-bakit ka may baril?" Naalarma siya bigla.

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon