22 ~ Forgiveness & Freedom

140K 4.1K 417
                                        

I just wanna say Hello to these beautiful ladies, Mylene Paso, Maria Angela Galvez, Kristine Deyto, Karleen Mayono, Christine Mae Gonzales, Angelica Hernon, Abigail Sabado, Maria Ella Figueroa, Ten-Ten Pineda, Jennifer Delos Santos, Joy Canlas, Ailyn Galit, Leisa Agudania, July Faisal, Erica Grey, Jessa Mae Belinario, Ichee Bendo Rosel, Donna Dampulay, Shinme Rosalita, Aileen De Hitta, Yeng Freniere, Ruffa Mae Deslate, Mauii Allen and Geraldine Enit.

May you all love this chapter. 💗

Chapter Twenty Two

MAY MGA PAGKAKATAON pala talaga na kahit mahirap ay kailangan mong bitiwan ang isang tao, hindi dahil wala na 'yung pagmamahal mo sa kanya kundi dahil para tanggapin ang katotohanan na hindi kayo ang nakatadhana para mabuhay ng magkasama.

Nakatingala si Neil sa langit, nakapikit ang mga mata, inaalala ang magandang mukha ni Tanya na nakangiti sa kanya. Ang mga ala-ala nila ay kusang lumitaw sa balintanaw niya kahit nasa huling sandali siya ng buhay niya na pinapalaya ang sarili sa masaya at masakit na nakaraan na kasama ang babaeng minsan niya ng minahal.

"Y-yakapin mo ako ng mahigpit... P-pakiusap." Huling hiling ni Neil kay Tanya bago tuluyang palayain ang sarili sa masakit na nakaraan.

Humampas ang malamig na hangin, kumulog ang madilim na langit, nagbabadya ng pag bagsak ng ulan bago niya naramdaman ang kakaibang init at lamig ng hangin na yumapos sa katawan niya.

Unti-unti ay naramdaman niya ang pag-agos ng luha sa pisngi niya nang makilala ang mahigpit na yakap ng hangin sa kanya. Minsan niya nang naramdaman ang mga ganoong yapos ng hangin sa katawan niya sa tuwing dumadaan ang mga araw at gabi na nangungulila siya sa dating kasintahan, kaya naman kilala niya na ang uri ng yakap na iyon. It's from Tanya.

His lips form a small smile as he felt her approval for giving him a freedom to be happy and to open his heart again for another love.

Tuluyan ng nawala ang bigat at pagsisisi sa dibdib niya. He finally set himself free from all the pain and regrets he's been hiding since the day Tanya left him.

"Thank you..." Piping pasasalamat niya at dinama ang mainit at malamig na yapos ng hangin sa kanya. "Kahit wala ka na, kahit na hindi na tayo magkasama, kahit tinatanaw mo na lang ako mula sa kung nasaan ka, alam kong mananatili 'yung pagmamahal mo sa akin." Marahan na sabi niya na walang tinig na maririnig. "I can still remember the day you told me that, kahit na nasa kabilang buhay ka na, ako pa rin ang mamahalin mo, pinanghahawakan ko iyon hanggang ngayon, pero sana ay mapatawad mo ako at maintindihan kung may iba na akong babaeng minamahal at gusto kong makilala mo siya kaya dinala ko siya dito..."

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang malambot na palad na marahan na pumunas at nag-alis ng luha sa pisngi niya. It's Hon-Hon.

"...Do you think this woman is the right one for me? Do you think she will love me and take care of me like what you did?" He asked Tanya silently, still closing his eyes. "I think she will, it may not be the same love that you gave me, it may not be the same feelings that you made me feel, but I know deep in my heart that she's the woman that God has given me to continue my life without you beside me, but with her beside me. God sent her to light the dark in me...to help me endure the pain...to make me smile and laugh...to make me live my life again...and most of all, He sent her to me to open my heart...to love...again."

Yes, he's in love with Hon-Hon.

Admit it or not, ang dalaga ang nagbukas ng kaisipan niya na hindi masama na sumubok ulit bigyan ng pagkakataon ang puso niya na magmahal ulit. Hindi masama na ngumiti at tumawa kahit may masakit na pinagdadaanan. Hindi masama na maging mahina, dahil lahat ng tao ay sinusubok ng panahon at pagkakataon.

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon