Chapter Two
DAPIT-hapon na ng makatanggap siya ng tawag mula kay Gia. Kaagad niyang sinagot iyon. Si Z naman ay alerto ang mata na pinagmamasdan siya, naiilang man sa bawat tingin nito ay pinilit niya na lang ignorahin.
"Gia? Are you okey there?" She worriedly asked her friend. Ilang oras din niya kasi itong hindi nakontak. Pawala-wala din ang signal.
"Okey lang ako dito, Hon-Hon. Ikaw ba? May mga sundalo na bang dumating?"
Now, it's her turn to look at Z.
"May kasama—I mean, wala pang sundalo na dumarating." Pagbabago niya sa pagbibigay ng impormasyon ng sinenyasan siya ng lalaki na huwag sabihing may kasama siya. "I will wait for them to rescue me. Please, kulitin mo sila na puntahan na ako dito. The bombs and gun fires scares the hell out of me. Ayoko pang mamatay Gia."
"I am talking to them about you there. May mga sundalo na raw na nagpunta sa lugar na 'yan. Please, have patience and faith in God, makakaalis ka din diyan. Okey?"
Tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita. "I'll call again to update you about my situation here. And by the way, huwag mong ipapaalam kila mommy ang sitwasyon ko dito, ha? I don't want them to worry, especially si dad, he's still recovering. I don't want to give him stress. Okey naman ako dito, nakakatakot lang minsan pero huwag ka na din mag-alala sa akin, Gia." She take a quick glance at Z who was watching her. "M-mukha namang safe ako dito sa bahay mo."
Somehow, she felt like she's safe knowing that she's with this stranger. Kahit minsan ay masungit ito, ayos lang sa kanya iyon hanggat hindi siya nito iiwan na mag-isa sa lugar na 'yon.
"Thanks God, for guiding you there. Mag-iingat ka pa rin. Don't forget to lock all the door."
"Yes, I will."
Ng matapos siyang makipag-usap kay Gia ay nilapitan niya si Z na nag-aayos ng mga baril sa sala. Tila ba laruan lang ang mga iyon para dito.
"We will try to escape tonight." He informed.
"H-huh? As in? Aalis tayo dito?"
"Yes, bago pa nila madiskubre na may naiwan pang tao sa lugar na ito."
"I-I'm scared!" Nag-a-atubiling tumabi siya ng upo kay Z. Ni wala na nga siyang pakialam sa mga baril sa harap niya. "Baka nag-aabang sila sa dadaanan natin?"
"I'll make sure na walang nag-aabang sa dadaanan natin. At kung pwede lang ay huwag mo ng dalhin ang maleta mo, abala lang 'yan sa pag-alis natin."
"No!" Agap niya. "May mga pasalubong ako from Paris. Ayokong iwanan ang mga 'yon dito."
Bumuntong hininga ito at sinulyapan siya. Simpleng sulyap lang iyon pero bakit tila tinatambol ang dibdib niya sa kaba?
Malamlam na ang mga mata nito. Halata ang kakulangan sa tulog, gano'n pa man ay hindi naman nabawasan ang kaunting atraksyon na nararamdaman niya.
Is it normal to be attracted to a stranger that you met just yesterday?
"Ano ba ang mahalaga sa iyo? 'Yang mga pasalubong mo o ang buhay mo?"
"My life!"
"Then leave your suitcase here." May choice pa ba siya? Ngumuso siya. "And stop pouting your lips. That's not a big help right now."
She pressed her lips together in a thin line. He really sounds authoritative and bossy. She starting to hate that kind of attitude from him, but she cannot denied the fact that being authoritative made him more hot and tough.
She was watching and silently admiring him on how he assemble skillfully every piece of his rifle and other guns. His muscles on his arms were rocking hard. Nababanat ang mga iyon sa tuwing gumagalaw ang mga kamay nito.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Ficción GeneralWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
