17 ~ Anger (SPG)

194K 4.5K 288
                                    

Chapter Seventeen

NAGPASYA si Hon-Hon na manatili muna sa likod bahay nang isa-isa ng umuwi ang mga bisita. Mga malalapit lang talaga na kaibigan ng pamilya Perez ang inimbitahan. Masaya din ang mga ito na makita muli ang binata makalipas ang ilang taon. Habang busy ang mag-ina, si Carter naman at Kira ang kumakausap sa kanya kaya kahit papaano ay hindi siya nakaramdam ng pagkainip buong araw.

Inilapag niya ang can beer sa pabilog na lamesa do'n at naupo sa isa sa dalawang bakanteng upuan na gawa sa narra. Hindi pa din mawala sa isip niya ang nalaman kanina, hindi niya kailangan mabagabag dahil normal lang na bisitahin ni Neil ang dati nitong fiance pero hindi niya talaga maiwaksi sa isip niya ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Hay..." She sighed and drink her beer.

"Ang lalim niyon, ha." Ang boses sa bandang kanan niya ang nagpatigil sa kanya sa pag-inom. Lumapit ito sa kanya, ibinaba ang tatlong can beer sa lamesa bago naupo sa kaharap na upuan. "Pangpatulog?" Tukoy ni Carter sa beer na hawak niya.

"Ah, yeah." Nagkibit-balikat si Hon-Hon at muling uminom. "Wala ng mga bisita?"

"May mga ilang natira pero pauwi na din ang mga 'yon." Sumimsim ito ng beer. "Kailan ang balik niyo sa Manila?"

"Hindi ko alam kay Neil."

"Paano kung hindi na siya bumalik?" Tinaasan niya ito ng kilay, bakit hindi? "Paano kung dito na siya mag-stay?"

Kahit naguguluhan ay nakuha niya pa din sumagot. Sana lang ay hindi mahimigan ang bitterness niya.

"Then, I will let him live here with his family. Neil wasted almost two years far away with his mother and sister. Siguro ito na 'yung oras para punan niya ang mga araw na hindi niya nakasama ang pamilya niya."

"I agree that he wasted his two years, but I won't blame him for doing that. He's my best friend, I understand him...always."

Napatingin siya kay Carter na naging seryoso. Ang awra nito ay hindi nalalayo kay Neil, autorisado pero hindi gano'n ka-misteryoso.

"Naiintindihan ko din naman siya." Halos pabulong na lang 'yon. "Gusto ko siyang intindihin. That's what I want to do to help him."

"You should understand him, Hon-Hon. Alam kong matutulungan mo siyang tuluyang kalimutan ang nakaraan nila ni Tanya."

Wala sa sariling napainom na naman siya ng beer. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya dahil sa iniinom. Mas gusto niya ang pait ng lasa ng alak kesa pait na bumabangon na naman sa dibdib niya dahil sa pangalan na nabanggit. That name really makes her heart bitter.

"Handa naman akong tulungan siya hindi para kalimutan si T-Tanya..." Sinulyapan siya ni Carter, nagtatanong ang mga mata. "...kundi para tanggapin ang katotohanan na wala na 'yung babaeng m-mahal niya." Tila may bumara sa lalamunan niya. "Akala ko madali lang 'yung gusto ko. Akala ko lang pala 'yon." Mapait siyang natawa.

"Magiging madali lang gawin ang isang bagay kung isasantabi mo ang nararamdaman mo." Hindi siya nakailag sa patama na iyon. "I can see in your eyes that you're in love with Neil, kaya naging mahirap na para sa iyo ang sanang gusto mong gawing pagtulong sa kanya."

Marahan siyang tumango at pinaglaruan ang can beer na hawak. "Kahit na mahirap para sa akin ang pagtulong sa kanya, gagawin ko pa din kasi..."

"...kasi mahal mo siya."

Natawa siya sa pagpapagtuloy nito. "Oo, mahal ko siya." Pareho silang natawa sa pag-amin niya, pakiramdam niya ay sinasadya nitong paaminin siya.

"Lest give your love for him a toast!" Inangat nito ang beer at gano'n din ang ginawa niya.

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon