A/N: Hi, gusto ko lang po malaman niyo na masaya ako sa magandang feedback niyo sa story na 'to. At dahil diyan ay napagdesisyonan ko na dagdagan pa ng ilang chapters ang kwento na 'to. Mas mahaba mas hindi nakakabitin. :)
Chapter Nine
MAHIGPIT na niyakap ni Hon-Hon si baby Zi ng bahagyang magising dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha niya na nagmumula sa nakabukas na kurtina ng bintana ng silid. Hating gabi na ng maihatid siya ni Neil sa mismong tapat ng condo unit niya, hindi na pumasok ang binata sa loob dahil kailangan na din nitong umuwi.
"Good morning..." She sleepily greet the pink Teddy bear with smile on her face.
What's with good in the morning anyway?
She had a long and good sleep. And while she's hugging the bear, it feels like its Neil the one she's hugging. Its a weird feeling but she likes it. She likes thinking that way.
Nilakihan niya pa ang pagbukas ng mata niya ng dahan-dahan na binuksan ni Gia ang pinto ng kuwarto niya at bahagyang inilabas nito ang ulo mula do'n.
"Hon-Hon?" Tawag ng kaibigan.
"I'm awake. Bakit?"
"Ahm, may bisita ka kasi..." Naalarma siya at napaupo bigla sa isipin na baka ang binata ang bisita niya. Natawa si Gia sa inasta niya. "Are you expecting someone to visit you, huh?"
Pasimple niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri at sumandal sa head rest ng kama. Masama ba mag assume na malay niya at bisitahin siya ni Neil? Kahit pa ilang oras pa lang silang hindi nagkikita. She already missed his presence and his addictive scent.
"Bakit ba nariyan ka sa pinto? Come in." Tinapik niya ang gilid na espasyo ng kama niya. "Sit here."
Nagkibit-balikat ang kaibigan tapos ay tumabi ng upo sa kanya. Bumaba ang tingin nito sa malaking teddy bear na pinag-gigitnaan nila.
"Saan 'yan galing?"
Kinuha niya si baby Zi at niyakap. "Kay Neil."
Naging mapaglaro ang ngiti ni Gia at patudyong sinundot-sundot ang bewang niya. "Ikaw ha, may itinatago ka na sa akin. Ano mo ba talaga 'yung gwapong lalaking 'yon? At anong oras ka ng nakauwi?"
Tulog na kasi si Gia kagabi ng maihatid siya ni Neil kaya wala itong idea kung anong oras na ba siyang nakauwi. She doesn't even told her about him. She has been a good friend to her but some times there are things that she cannot tell her, especially the things that happened with her and Neil in Zamboanga.
Dahil na din siguro sinabihan siya noon ng binata na huwag ng magkwento sa iba ng tungkol sa pagkatao nito, para sa kaligtasan na din nito. Kaya siguro hindi na siya nag-atubili pang ikwento sa kaibigan ang pangyayari na iyon.
"Hating gabi na kami nakauwi. We stucked on a traffic last night while we were on our way here."
"So, ano nga kayo? Nililigawan ka ba niya?"
"Magkaibigan lang kami, okey?" Kung magkaibigan ngang maitatawag ang estado nila ni Neil. "At... Hindi siya nangliligaw. Hindi ko alam."
"Talaga?" Naging mapagmatsag ang mata ni Gia tapos ay bumaba sa bandang dibdib niya. "What's that?" Sinundan niya ng tingin kung saan ito nakanguso.
Para bang gusto niya ng lumubog sa kinauupuan ng makita sa cleavage niya ang mga pulang marka na animo ay pantal. Kaagad niya 'yon tinakpan at namumula ang pisngi na nag-iwas ng tingin sa kaibigan. Really? Neil left a kiss mark on her breast!
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Ficción GeneralWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...