Chapter One
MALAKAS na pagsabog hindi kalayuan ang gumimbal sa buong bahay ng kaibigan ni Hon-Hon kung saan naroon siya na dahilan ng pagdaloy ng kaba sa dibdib niya. Para siyang ibon na naputulan ng pakpak sa hindi malaman na gagawin. Umalis si Gia kanina lang papunta sa bayan upang mamalengke, hindi na siya nakasama dahil tanghali na siya nagising.
"Giaaaa!" Halos sumigaw na siya sa frustrasyon na nararamdaman dahil sunud-sunod naman ng putok ng baril ang narinig niya. Malayo iyon sa lugar kung nasaan siya ngunit malakas talaga ang impact ng tunog ng bawat pagsabog. "Bumalik ka na! Parang awa mo na!"
Ilang araw pa lang siyang nananatili sa Zamboanga bilang bakasyon at para bisitahin na rin ang kaibigan pero hindi niya akalain na may mangyayari palang ganitong eksena sa lugar na ito.
Nagmamadali na tinakbo niya sa sofa ang cellphone niya ng tumunog iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag ng makitang si Gia ang tumatawag. She pressed the green button and place her phone on her right ear.
"Hello friend? Gia?"
"Hon-Hon! Makinig ka, okey?" May pag-aalala sa boses nito.
"Nasaan ka na ba?"
"Hindi pa ako makakabalik riyan sa bahay. Hinarang na ako ng mga poging sundalo rito sa check point kasi—"
"Ano?!" Tumaas ang boses niya sa gulat. "W-what do you mean? And what's with that check point?"
"M-may giyera! 'Yung mga rebelde pinapasok na ang lugar kung nasaan ka pero huwag kang magpanic—"
"What?!" Lalong tumaaas ang boses niya. "May giyera tapos sasabihin mo huwag akong magpanic?! Gia, 'yung totoo? Nagpapatawa ka?" Kinakabahan na tumawa siya.
Bakit ba kasi hindi siya mahilig manood ng TV News? Korean drama o kaya ay Hollywood movie lang ang mas pinapanood niya nitong mga nakalipas na araw.
"Pinakiusapan ko na ang mga sundalo rito na i-rescue ka riyan. Please, lock the door. Huwag kang lalabas ng bahay, Hon-Hon. Okey? Please?"
Nanghihina na napaupo siya sa sofa at napahilot sa sintido. Ang kaba at pag-aalala sa dibdib niya ay mas lalong nadadagdagan sa isipin na nasa malapit na panganib lang ang buhay niya.
"This war ruined my vacation! Sana sa Manila na lang ako dumeretso galing Paris." Narinig niya mula sa kabilang linya ang pagbuntong hininga ni Gia.
"I'm sorry, Hon-Hon. Mag-iingat ka riyan sa bahay. Tatawag ulit ako mamaya."
"Don't hang up."
"I need to charge my phone. Makikicharge muna ako dito sa mga sundalo."
Wala na siyang nagawa kundi titigan ang cellphone niya ng mawala na sa kabilang linya si Gia.
"What now? Sino ang malakas ang loob na sumundo sa akin dito? Baka patay na ako pagdating nila?"
Naihilamos niya ang mga palad sa sariling mukha sa sobrang frustrasyon. Isang buwan siyang nanatili sa Paris para tuwangan ang mommy niyang bantayan ang ama na may sakit. Tapos pagbalik niya sa Pinas, ganito ang sasalubong sa kanya? Giyera?
Nagdilim na lahat-lahat ay wala pa rin ang tulong na hinihintay niya. Kahit si Gia ay hindi na rin tumawag sa kanya. Naiiyak na siya sa sobrang takot dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Parang wala na siyang mga kapitbahay. Nahinto na rin ang mga pagsabog at putok ng baril. Siguro kasi gabi na? O naubusan na ng bala?
"SINO ka?!" Kinakabahan na halos pasigaw na tanong niya sa lalaking nakatalikod sa gawi niya. Hindi man kaliwanagan ay kita niya ang matikas na tindig nito at ang malapad na likod nito.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
General FictionWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
