10 ~ Longing

137K 4.2K 407
                                    

Chapter Ten

ILANG sandaling katahimikan ang pumalibot sa kanila ni Neil bago nito binasag iyon ng isang katotohanan na hindi niya inaasahan.

"I am no longer part of Philippine Military." His voice was cold as ice. "I resigned two years ago."

All this time she's admiring him for being a soldier, a real hero. His braveness and love for the country made her fall for him. Gaano ba hindi kaaya-aya na makakatanggap siya ng balita na hindi na pala ito isang sundalo? Trust is very important to her, but now that the man she trusted so much lied to her, ano ba ang dapat niyang maramdaman sa pagtatapat nitong iyon?

Her heart ache.

"Y-you lied to me." Binigyan niyang distansya ang agwat nila, pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na siya pinigilan ng binata. He was giving her space and a freedom to speak her mind. "Nagsinungaling ka sa akin, Neil." Ulit niya na mas lalong ipinakita ang pagkadismaya.

Nanatili ang mata nito sa malaking screen sa harap nila. Tila malayo ang iniisip. "Kung sasabihin ko bang hindi ako sundalo noon, sasama ka pa din ba sa akin?"

Umiling siya, dahil hindi niya nakita ang sarili na sumama dito kung hindi ito nagpakilalang sundalo. Magandang lalaki ito, oo, pero hindi naman siya gano'n kadesperada para sumama sa lalaking hindi niya naman kilala kahit pa nasa delikadong sitwasyon na siya.

"H-hindi, hindi ako sasama sa iyo kung hindi ka nagsabing sundalo ka."

"That's it! That was the reason why I lied to you. Nababasa ko sa mga mata mo ang takot na mag-isa at ang kaba na may kasama kang lalaking hindi mo naman kilala. Kailangan kong kunin ang tiwala mo at pawiin ang takot sa dibdib mo. Sana sapat na ang rason ko para intindihin mo kung bakit nagawa kong magsinungaling sa iyo. I was thinking about how you feel, hindi ko na inisip pa ang pagsisinungaling ko sa iyo sa kagustuhan kong alisin 'yung takot mo."

Ngayon na narinig niya na ang dahilan nito kung bakit ito nagsinungaling, nabawasan ng kaunti ang agam-agam niya sa binata. Pero sa pagkakataon na iyon may pakiramdam siya na maaaring may malalim pang dahilan ito kung bakit gano'n na lang ang kagustuhan na pawiin ang takot niya kung gayong sa unang banda ay hindi naman sila magkakilala?

Why does he had to care too much about how she feels before, anyway? That confused her.

But then again, she still want to hear more from him, alam niyang may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ang ganitong bagay sa kanilang dalawa.

"Sinusubukan kong intindihin ang rason mo, Neil, pero hindi pa din tama na nagsinungaling ka sa akin. Nagagalit ako sa nalaman ko, pero kapag naiisip ko kung paano mo ako iniligtas, nalulusaw lahat ng galit ko." Malalim siyang bumuntong hininga.

Gano'n ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, nagalit siya pero nawawala din iyon kapag sinasampal siya ng katotohanan na ang lalaking ito ang nagligtas sa kanya sa kapahamakan.

"I'm sorry." Tuluyan ng nalusaw ang galit niya sa masinsinan na paghingi nito ng paumanhin.

Sa totoo lang dapat ay hindi siya magalit, dahil walang katumbas ang ginawang pagligtas nito sa kanya. Kung nagsinungaling man ito, iyon ay dahil na din sa kapakanan nilang dalawa. Tila ngayon lang siya natauhan talaga.

"Kalimutan mo na iyon. Kalimutan mo na nagalit ako. Dapat nga ay magpasalamat pa ako sa iyo dahil sa pagsagip mo sa akin. Naghiwalay na tayo at nagkita na ulit lahat-lahat pero hindi ko pa rin nasasabi ang mga salitang sana ay dati ko pa sinabi." Umayos siya ng upo at humarap dito kaya napilitan itong harapin siya. They are now facing each other, their face were inches away. She caught his eyes and stare at him. "Neil," Hinawakan niya ang dalawang kamay nito. "Siguro hindi pa naman huli para magpasalamat di ba? Ahm, thank you so much for saving me. Nando'n ka para samahan ako sa dilim, nando'n ka para hindi ko maramdaman na nag-iisa ako, nando'n ka para maging sandalan ko sa tuwing natatakot ako, nando'n ka para iyakan ko..." Lahat ng sinasabi niya ay galing sa puso niya. "At higit sa lahat nando'n ka para iligtas ang buhay ko sa kapahamakan na nag-aabang. Salamat ha? Salamat kasi nando'n ka. Dumating ka para sagipin ako. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba lahat ng nangyari sa atin, pero kung may dahilan man lahat ng iyon... Buong puso kong tatanggapin ano man ang kahinatnan."

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon