8 ~ Baby Zi

194K 4.7K 269
                                        

Chapter Eight

"LET'S go back to Manila, honey." Neil said while looking at his wristwatch. "It's already seven in the evening. Aabutin pa rin tayo ng traffic."

"Nakakabagot pa naman ma-stuck sa traffic. Hay..." She sighed tiredly.

Buong maghapon ay kasama niya si Neil. Lahat halos ng rides ay sinubukan nila kahit pa mawala na ang kaluluwa niya at bumaliktad na ang sikmura niya dahil sa pagkalula. Hanggat masaya siya sa ginagawa nila ay wala siyang dapat ireklamo. Tila ba pinupunan nila ang mga araw na hindi sila nagkasama matapos na magkahiwalay sila sa Zamboanga.

Papalabas na sila ng matanaw niya ang isang malaking Teddy bear na kulay pink sa hindi kalayuan. Kaagad na huminto siya at napatingin do'n. Sinundan naman ng binata kung saan siya nakatingin at nagtanong.

"You wanna try?" Tukoy nito sa may mga nagbabaril upang makuha lang ang malaking Teddy bear.

"That's so cute! Ang sarap i-uwi sa bahay at yakapin magdamag!" Hindi niya naitago ang excitement sa mukha at boses niya.

"Ano ba ang mayroon sa mga Teddy bear at gustung-gusto ng mga babae?"

"Because they're cute? And malambot? Masarap yakapin."

"Cute naman din ako, masarap akong yakapin at isa pa..." He trailed. "Pero hindi ako malambot."

Hindi sinasadya na bumaba ang tingin niya sa gitnang bahagi ng katawan nito ngunit kaagad din iniwas ang atensyon do'n bago pa siya nito mabisto.

"I agree. Hindi ka nga malambot..."

"I know... Matigas kasi ako." He grinned. "Di ba?" Nakita niya ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. Alam niya ang nais nitong iparating ukol sa katigasan na sinasabi nito.

"Magtigil ka nga diyan, Neil!" Siya na ang nahiya sa naisip niya.

"Bakit? Hindi ba ako matigas?" Sa wari niya ay nagmamaang-maangan pa ito.

"Oo na, matigas na. Matigas ang muscles mo." Pilyang kinurot niya ito sa tagiliran. Sa kislap ng mata nila pareho ay alam nila ang tinutukoy niya. Neil flexed his arms to show off his muscles. Natawa na lang siya sa ginawa nito. "Halika na. Let's find our luck to bring home that cute Teddy bear."

Parang bata na hinila niya ang binata papunta sa maliliit at malalaking Teddy bear. Hinintay muna nila maubos ang bala ng pellet gun ng lalaking kasama marahil ay girlfriend nito, ngunit hindi naman ang mga ito nagtagumpay sa pagkuha sa Teddy bear na gusto niya. Napansin niya na nag-iisa lang ang malaking kulay pink na bear na iyon. She want it!

Naglalambing na yumakap siya sa binata ng tila wala naman itong pakialam na gusto niya pa lang i-uwi ang Teddy bear na iyon.

"What's with the hug, honey?" Nakababa ng tingin sa kanya si Neil. Di hamak naman na mas mataas talaga ito sa kanya. Hanggang balikat lang siya nito.

"Kunyari ka pa na hindi mo alam, eh." Napapadyak pa siya sa sahig. Walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila.

"Hmm, tell me what you like."

"Ikaw ang magbaril—"

"Sige na sir, pagbigyan mo na po ang girlfriend mo. Malay mo kayo pa ang makauwi kay Zi. Nag-iisa na lang po 'yan."

"Zi?" Tanong niya ulit sa staff.

"Yes Madam, Zi po ang ipinangalan sa pink na Teddy bear."

Malapad ang ngiti niya ng balingan ang binata. "Z daw, oh." Neil rolled her eyes making her chuckled. "Payag ka na?"

"Hmmm..."

"Neil naman eh—"

"Miss, baka hindi naman kasi marunong humawak ng baril ang boyfriend mo kaya ayaw niya."

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon