21 ~ All I Wanted

134K 4K 393
                                        

Hello to, Jenica Jiji, MM Barrameda, Cristina Reyes, Abigael Trinidad, Yel Miranda, CJ Villacote, Rose Mary Mistica, Jescelle Petonio, Margie Aguilar, Janeth Ybanez, Raquel Dela Cruz, Jhaii Elizalde, Monalisa Polindao, Allieah Libramonte, Maricar Pura, Joan Sael, Allysah Ericka SilverSmith, Angelbhere Monte de Ramos and Mhica DeSalvo.
Always remember to smile for a beautiful life. :)

Chapter Twenty One

"HINDI KO alam kung bakit mo ito ginagawa, Neil..." Halos pabulong na lang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. Patuloy na umaatake ang samo't-saring emosyon dahil sa desisyon na ito ng binata. Napapikit si Neil ng mariin at isinandal ang ulo sa headrest ng inuupuan, trying not to get stress on her sudden changed of mood. "H-hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, Neil. B-bakit kailangan ko pa siyang makilala?" Inilabas niya ang tingin sa kapagiliran, sobrang tahimik ng lugar.

"Ayaw mo ba?" May panibugho sa boses nito.

"Hindi naman sa gano'n pero..."

"Pero ano, Hon-Hon?"

Malalim siyang bumuntong hininga. Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi siya komportable na makilala ang babaeng minamahal nito? Dahil ba natatakot siya? Natatakot siyang makita na naman na nagdadalamhati ang binata sa nangyari? Dahil ba natatakot siya na mas doble 'yung sakit na mararamdaman niya? O dahil natatakot siya sa katotohanan na sa kabila ng pagpapangiti at pagpapatawa niya kay Neil ay hindi pa din nagbabago ang laman ng puso nito?

"N-natatakot ako, Neil..." Pag-amin niya. Napayuko siya, pinaglalaruan ang nanlalamig niyang mga daliri na nasa kandungan niya. Binitiwan na iyon ng binata.

He unbuckled his seat belt and lean closer to her again. "Look at me, honey."

Umiling siya. Ayaw niyang makita nito ang bumalatay na takot at pait sa mukha niya. Ayaw niyang mabasa nito na nasasaktan siya dahil ayaw niyang malaman nito na sa likod ng mga mata niya, nagtatago ang lihim niyang pagmamahal para dito.

"H-hihintayin na lang kita d-dito. I will be okey here—" She stopped mid sentence as she felt his forefinger under her chin. Bahagya nitong inangat iyon upang magtama ang mga mata nila ngunit iniwas niya ang mata dito.

"Tell me, bakit ka natatakot?" May pag-aalala sa boses nito at ng ibaling niya ang tingin dito ay nakabalatay sa gwapo nitong mukha ang pag-aalala din.

Gusto niyang ipikit ang mga mata kasi umaasa na naman siya sa nakikita at naririnig niya sa binata. Akala niya ay paunti-unti ay natutulungan niya na si Neil na makawala sa nakaraan nito. Pero bakit parang walang progress ang pagtulong niya? Hindi ba sapat ang ginagawa niya?

"B-bakit mo gustong makilala ko siya?" Ni hindi niya mabanggit ang pangalan ng babaeng mahal nito. Mariin ulit itong pumikit, tumingala bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga pero nanatiling tikom ang bibig. Naghuhumirantado na ang isip niya. Hindi niya na kayang hawakan iyon dahil sa napakaraming isiping tumatakbo do'n. It's frustrating! "Para ano Neil? Para may kasama kang alalahanin ang nakaraan niyo? Para masaksihan mismo ng dalawa kong mata kung paano ka nanghihinayang at nasasaktan dahil sa nangyari sa inyo? Sabagay, ito naman 'yung gusto ko..." Humina ang boses niyang mapait. "I wanted to help you. I always wanted to be there when you need me. I wanted to erase all the pain in your heart...if only I have a power to do that. I wanted you to accept the fact that she's no longer exist. I wanted you to live without her. I wanted you to forget all the memories you had with her, I wanted you to forget all her memories—"

"I won't forget that. I will never be. Never." Putol nito sa kanya na dumagdag lang sa kirot ng puso niya. Alam niya naman 'yon! Alam niya 'yon! Expected niya na 'yon! Pero bakit tila tinutusok-tusok pa rin ng maraming karayom ang puso niya?! Bakit kasi pinipilit niya pa rin ang gusto niya?

The Hot Stranger (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon