Maraming salamat po sa magandang feedback sa nobela na ito. Lahat ng iniiwan ninyong mensahe sa comment section ay nagsisilbing inspirasyon po sa akin. Sa mga silent readers na dumadagdag sa bilang ng Reads/Views at sa mga nagvovotes bawat chapter, muchos gracias! 😗💗
Epilogue
MASAMA ang loob ni Hon-Hon nang pumasok sa silid niya. Pinuntahan niya si Neil kanina sa likod bahay upang magpasalamat sa pagdala nito sa magulang niya. Sobrang saya niya at talagang nasorpresa siya sa ginawa ni Neil. Pero nasorpresa din siya nang narinig niya ang usapan nito at ni Carter.
Aminado naman siya talaga na minsan ay matigas ang ulo niya at reklamador din siya. And Neil hate that! She should understand him, right?
Pabagsak na inihiga niya ang katawan sa kama. Nakatingin sa kisame. Maya-maya lang ay nakarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pinto.
"Honey... Open the door." It was Neil.
"Ano pa ang ginagawa niya? Ayaw niya naman sa ugali ko." She murmured to herself.
"Please..."
Pinukol niya ng masamang tingin ang pinto. Sana ay tumagos ang tingin niya sa binata pero alam niyang imposible iyon.
"Matutulog na ako!"
"Mali 'yung narinig mo, okey? Magpapaliwanag ako."
Siguradong si Carter ang nagsabi dito na narinig niya ang usapan ng dalawa dahil nakita siya ng kaibigan nito na papalapit kanina.
"Huwag ka ng magpaliwanag! Aminado naman ako na matigas ang ulo ko at reklamador ako!"
"Buksan mo ang pinto."
"Umalis ka na! Ayokong makipag-usap!" Ipinahalata niya sa boses niya na ayaw talaga niya itong makausap.
Ilan sandali na wala siyang narinig na sagot kay Neil. Wala din siyang narinig na yapak na paalis.
Tumagilid siya ng higa, patalikod sa may pinto. Kinakalma ang sarili, inaalo ang puso niya dahil kahit papano ay nasasaktan siyang isipin na may ugali siyang hindi gusto ng lalaking mahal niya. People are really hard to please. Kahit na ginawa niya na ang lahat mapasaya lang si Neil, hindi pa din iyon sapat na dahilan para magustuhan siya nito at ang mga ugali niyang iyon.
Napatuwid siya ng higa ng tumunog ang pinto, tanda na na-unlocked iyon. Pagbaling niya sa gawin niyon ay nakatalikod si Neil at in-locked ang pinto. Muli niya itong tinalikuran.
"Honey..." Lumubog ang espasyo ng kama niya, tanda na may umupo. "Huwag ka ng magalit. Mali ang narinig mo."
"Malinaw kong narinig lahat Neil."
"Hindi lahat—"
"Na ayaw mo sa pagiging matigas na ulo ko, reklamador ako at minsan ay spoiled brat! Naiintindihan ko!"
"That's not what I meant, hon." Kalmado at nagpapasensya ang boses nito. Marahan na hinawakan nito ang balikat niya ngunit nag-iwas siya, ayaw pahawak. Neil sighed. "Hindi mo naman kasi tinapos ang usapan namin eh. Tumakbo ka kaagad."
"Dahil baka mas masaktan pa ako kung maririnig ko pa ang mga bagay na ayaw mo sa akin!" Mahigpit ang kapit niya sa kumot, nag-iinit ang mga gilid ng mata. Masama talaga ang loob niya. "Kung hindi mo matanggap ang ugali ko o kung ayaw mo man, sana ay sinabi mo sa akin para aware ako. Kung may mga bagay pala na ayaw mo na ginagawa ko, sana ipinaalam mo sa akin. Pero ito na ako Neil, kung hindi mo matanggap, hayaan mo na lang ako..." Ibinaon niya sa mukha ang unan ng marahan na yakapin siya ni Neil mula sa likod. Hinalik-halikan ang ulo niya na mas lalong nagtutulak sa luha niyang bumagsak.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
General FictionWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...