MAHIGIT isang buwan na ng makauwi si Hon-Hon sa condominium niya sa Makati. Maayos na din siya at ang lagay niya. Wala namang naging problema sa kanya na dulot ng giyera, unless, kung ang pag-uusapan ay ang puso niya, talagang nangungulila siya sa presensya ng binatang sundalong nagligtas sa kanya sa kapahamakan.
Palagi rin siyang nag-aabang sa mga balita sa telebisyon kung ano na ang kaganapan sa Zamboanga at laking pasasalamat niya ng huminto na ang giyero do'n. Nalulungkot siya at minsan ay napapaiyak pa nga kapag nababalita ang mga nasaktan na sundalo lalo na 'yung mga namatay sa bakbakan. Hindi talaga hawak ng tao ang buhay nila. Kapag oras na nila, ay oras na nila.
"Hon-Hon, lalabas muna ako para mag-grocery. May ipapabili ka ba?" Untag sa kanya ni Gia. Kasama niya ang kaibigan niya ng umuwi siya, sa kanya ito tumutuloy pansamantala dahil nasira ang bahay nito sa Zamboanga.
"Sasama na lang ako." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Minsan mo na akong iniwan para mamili at ang huli kong naalala ay hindi ka na bumalik tapos ay naiwan ako sa gitna ng giyera—"
"Stop!" Putol ni Gia sa kanya. "Iba ang Zamboanga sa Manila, Hon-Hon. Isa pa nakakasiguro ako na walang giyera dito 'no." Umirap ito sa hangin. "Mabuti nga at nahinto na ang bakbakan do'n. Mamatay na sana lahat ng rebeldeng 'yon!" Mapait na sabi nito. "Dinamay pa nila ang mga gwapong sundalo! May crush pa naman ako sa isa!"
Kaagad na lumitaw sa isip niya ang imahe ni Z ng banggitin ng kaibigan ang salitang Crush. Halos isang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang binatang sundalo. Kumusta na kaya ito? Sana naman ay ligtas ito.
"Crush? Naisip mo pa talaga 'yan kahit sumasabog na ang paligid mo?" May halong sarkasmo sa tinig niya at napailing-iling na lang.
"Hindi ko lang talaga mapigilan ang damdamin ko, Hon-Hon. Isa pa, totoong may mga sundalong guwapo, parang hindi mo naman nakita."
She shrugged her shoulder. "Nakita ko." It's true, may iilan na guwapong sundalo na nadestino sa Zamboanga pero wala ng mas gagwapo pa kay Z. "And I'm sure hindi lang sa panlabas na anyo kaya nagustuhan mo. Hmm?"
"Well, you're right, it's not all about his physical appearance but because of his braveness and dedication for his job."
Sabay silang pumasok sa elevator ng bumukas iyon. "I have a crush din." Pag-amin niya.
"Geez!" Impit itong tumili. "Para tayong teenager!" Sabay binuntutan iyon ng hagikhik. "Tell me, who's the guy? Sundalo din?"
"Yes, he's brave and hot... soldier." She playfully winked at Gia. "Pero kagaya mo, hindi ko siya nagustuhan dahil lang sa guwapo siya. I like him because I know how he tried his best to protect people from rebels. He's willing to risk his life for our Country. And for me, he's my hero. He made me realize that a real hero exist, not only in books but also in real life." Masaya siyang napangiti ng bumalik sa balintanaw niya kung paano niya hinangaan si Z. "I always pray to God about his safety and always give him strength to fight for his life. Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan."
Z, nasaan ka na ba? Magkikita pa ba tayo?
Nakakatawang isipin na hindi man lang siya pormal na nakapagpasalamat sa binatang sundalo. Kaya sa oras na magkrus muli ang landas nila, hindi niya na kakalimutan pa ang magpasalamat sa taong nagligtas sa kanya sa kapahamakan na nag-aabang sa kanya noon.
Sa isang banda, ay nahanap niya na ang kapanatagan sa dibdib niya ng makauwi siya at mailayo ang sarili sa kapahamakan.
"I'm happy to know that the war against rebels has ended. Ang huli kong nabalitaan ay nakauwi na dito sa Manila ang mga sundalong na-destino sa Zamboanga." Tumango lang siya sa impormasyon na iyon no Gia.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Fiksi UmumWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
