Chapter Fourteen
KAHIT ANONG pilit ni Hon-Hon ay hindi maampat ang luha na dumadaloy sa pisngi niya. Akala niya masakit na ang salitang 'Help me forget her' pero wala pa pala ang sakit na iyon sa naririnig niyang kwento ni Neil tungkol sa nakaraan nito. Kung ang apat na salita na iyon na sinabi nito sa kanya ay nasaktan na siya, gaano pa kayang sakit ang nararamdaman ng binata dahil sa nangyari?
Sobrang sakit... na pakiramdam nito ay hindi na kayang tumibok ng puso nito. Think how painful it was. Marahan na hinahaplos ni Neil ang likod niya, inaalo siya.
"Tumahan ka na... Hindi ko sinasadya na paiyakin ka."
Paulit-ulit siyang tumango, nararamdaman niya na basa na ang dibdib nito dahil sa pag-iyak niya.
"Ayoko k-kitang masaktan." Humihikbi niyang sabi. "Hindi kita s-sasaktan."
Mahinang natawa si Neil. "Thank you for that. It made me feel better." Dahan-dahan kumalas siya sa pagkakayakap sa binata at pinahid ang luha sa pisngi gamit ang mga palad. "Huwag ka ng iiyak ulit." Pati ito ay pinapahid ang luha niya at inaayos ang nagulo niyang buhok. "Hindi ikinaganda ng mga babae ang pag-iyak." Napanguso siya at humikbi ulit dala ng pag-iyak niya.
Hon-Hon stare at him. His teary eyes is enough for her to prove that he was emotional awhile ago. Marahan na sinakop ng palad niya ang pisngi ng binata.
"Thank you for sharing your past to me even I know that it's hard for you to tell it."
"Kahit papano nabawasan 'yung bigat dito." Turo nito sa dibdib nito. "Nang sabihin ko sa iyo." At least, he's honest to her and to himself.
Tumango siya habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha. Hindi nga talaga natin kayang kilalanin ang taong may mapait na nakaraan kung ang pagtingin lang sa mukha nito ang ating basehan. Sino ba ang mag-aakala na may masakit na nakaraan ang lalaking lihim niyang minamahal?
Kung kailan niya naamin sa sarili na mahal niya na si Neil ay hindi niya rin alam, basta kusa na lang 'yong naramdaman habang lumilipas ang araw na nakakasama niya ito.
"Don't look at me like you pity me, honey." He groaned.
Mabilis siyang umiling. "No, I don't pity you and will never be. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon?"
"Umm..."
Humaplos ang isang kamay niya sa pisngi nito pababa sa panga nito na nagpapikit sa binata. Ipinapaalam sa kanya na gusto nito ang ginagawa niya.
"Masaya ako, Neil." He opened his eyes and met hers. "I'm happy because you trust me enough to tell your past to me. Alam ko na ngayon kung paano kita aalagaan..." Nakagat niya ang pang-ibabang labi, nahihiya na naman siya dahil sa titigan nila. "...at tutulungan hindi para kalimutan si Tanya..." Lumambot lalo ang ekspresyon ng mukha nito ng banggitin ang pangalan na iyon. The woman he loves. It hurts but she have to deal with it for Neil. "...kundi para tulungan kang tanggapin ang katotohanan na nasa mabuting lagay na siya."
Hinawakan ni Neil ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito at marahan na dinala iyon sa labi nito upang marahan na halikan. Napaso man ang kamay niya sa halik na iyon ngunit hindi niya na nagawa pang bawiin ang kamay dito.
"Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito sa akin?" Napapaos ang boses nito at nagsusumamo.
Napalunok siya sa ideyang itinutulak siyang aminin ang nararamdaman para sa binata. Ngunit alam niyang hindi ito ang tamang oras para sa kanya. She want to prioritize his feelings and what will make him happy before her own happiness.
"Isipin mo na lang na sinusuklian ko lang ang lahat ng kabutihan na nagawa mo para sa akin."
"Your thank you is enough, honey."
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
قصص عامةWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
