PROLOGUE
MAHINANG naglabas ng hangin mula sa dibdib si Neilsen ng makatapat siya sa pinto ng kanyang kapitan sa Military.
Nakatanggap siya ng mensahe mula rito na inaanyayahan siya sa isang pribadong pag-uusap. Sa wari niya ay kailangan nito ang serbisyo niya bilang isa sa pinaka magaling at pinakatatagong sundalo ng bansa.
Isang katok ang ginawa niya bago narinig ang baritonong boses mula sa loob.
"Come in."
Hindi nagbago ang matikas na tindig niya nang buksan ang pinto at tuluyang makapasok sa loob ng opisina nito.
"Sir!"
He salute at him as a sign of respect. Ganoon din ang ginawa nito bago muling naupo sa swivel chair. Neil seated on the vacant seat in front of Captain Arthuro Mangahas.
"Ikinagagalak ko na makita ka ulit, Sergeant Neilsen Cañeba." Magalang lang siyang tumango. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Kailangan ko ang serbisyo mo." He sounds so authoritative. "We need you."
Pansamantala siyang natigil ngunit kaagad din na nakabawi.
"Basta para sa tao at sa bayan. Wala akong karapatan tumanggi, Sir."
Mula sa drawer ng lamesa nito ay may inilabas itong brown envelope. Inilatag sa harap niya ang mga litrato na kuha sa giyera sa Zamboanga.
Ilang linggo na ang nagdaan ngunit hindi pa rin natitigil ang sagupaan ng mga sundalo at ng mga grupo ng rebelde.
"I know that you are skilled enough to fight and help our troops to end the war in Zamboanga. You, being the best of the best is a big help not only for our fellow soldiers but also to our Country." He said factly. "I trust you and your ability with this assignment, Mr. Caneba. Marami na ang nasugatan na sundalo at iniuwi na rito sa Maynila upang magpagaling. We need more soldiers there to protect the people who were involved in war. Maaasahan ba kita?"
"Yes sir!" Buo ang loob niya na tinanggap ang panibagong hamon sa buhay niya.
Maybe this is the right time to escape from darkness he'd been through this past few years. This will be another chapter of his life and he's ready to face it.
Tumango ito. Hindi man nakangiti ay bakas ang kapanatagan sa loob dahil sa pagtanggap niya ng trabahong ibinigay nito.
"I'm really glad that you're back, Mr. Caneba."
Isa lamang siya sa libo-libong bata noon na nangarap maging sundalo. Nang naabot niya ang posisyon na iyon ay naabot niya na din ang pangarap niya.
Ipinako niyang gagawin niya ang lahat ng makakaya upang makapagsilbi sa tao at sa bansa.
He was eight years old way back then when his father died because of war between terrorists and soldiers.
Sa murang edad niya noon ay itinanim niya na sa isip na gusto niyang sundan ang yapak ng ama balang araw.
He wanted to serve his Country like how his father did when he was in the service. He wanted to protect people from rebels and willing to risk his life for them.
Iyon ang naging panuntunan niya sa buhay, hanggang sa isang malagim na unos ang dumating sa kanya na dahilan kung bakit nawala ang lahat-lahat ng iniingatan niya.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Fiksi UmumWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
