Chapter Sixteen
INIHATID ni Aling Yolly si Hon-Hon sa silid na tutuluyan niya nang matapos silang maghapunan. Si Aling Yolly ay ang matandang babae kanina na unang nakakita sa pagdating nila ni Neil at matagal na rin itong naninilbihan sa pamilya Perez, mga bata pa lang sila Neil at Kira.
"Ma'am, ipatawag niyo lang po ako kapag may kailangan pa kayo." Anito na nakatayo hindi kalayuan sa pinto.
"Okey na po ako dito Aling Yolly." Naupo siya sa gilid ng kama. "Maraming salamat po."
"Wala pong anuman." Tapos ay magalang na umalis.
Pumasok siya sa banyo upang maligo. Ngayon niya lang nararamdaman ang pagod at gustung-gusto niya ng mahiga. She's humming a song while drying her hair with a towel. Ibinalot niya sa katawan ang roba saka lumabas ng banyo.
"Ang bango naman..."
Nasapo niya ang dibdib sa gulat kay Neil, nakaupo ito sa paanan ng kama. Halata na hinihintay siya. He's already wearing his muscle sando ang checkered dark blue pajama. His hair is a bit messy yet he's still looks dangerously handsome.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo niya. "Sa kabila ang silid mo ha."
"I'm checking you, honey." Hmm. He's checking her. Baka ay iniisip nito ay mamahay siya at hindi malabong mangyari iyon. "Okey ka lang ba dito? Gusto mo samahan kita?" May pilyong ngiti itong pilit sinusupil.
Wala sa sariling napakapit siya sa robang suot ng pasadahan ng malalagkit na tingin ng binata ang buo niyang katawan.
"Okey lang ako dito. Hindi ko kailangan ng kasama." Masungit na sabi niya, pilit itinatago ang kakaibang init na namumuo sa kanyang katawan sa paraan ng pagtagos ng mga titig nito sa kanya.
"Talaga?" Tumayo ito at parang bulkan na nag-alboroto ang katawan niya ng dahan-dahan na naglakad ito sa gawi niya ng hindi inaalis ang titig sa kanya. Ano ba ang balak ng lalaking ito? "Paano kung gusto kong matulog katabi ka?" Ang paos na boses nito ay kumikiliti sa mga maliliit na ugat niya.
"N-nasa bahay niyo tayo, Neil."
"Is that matter? Gusto lang naman kitang makatabi."
"Ayokong pag-isipan nila ako ng masama." Unti-unting humihina ang tinig niya. "Hindi ka ba makatulog?"
"Hmm, ang tagal nang panahon na hindi ako umuwi dito. Ako pa yata ang mamamahay."
Hon-Hon chuckled. "Bakit naman kasi hindi ka umuwi?"
Ang sanang paglalapit ng distansya nila ay naudlot dahil nahinto si Neil sa paglalakad. She looks at him curiously, he's avoiding her gaze. There's really something that he was hiding from her. Whatever it is, she will know it in the right time.
"You can call me kung hindi ka makatulog, okey?" Bahagya itong umatras, binibigyan lalo ng distansya ang sanang paglalapit nila.
Hon-Hon nodded her head. "Okey,"
"Or you can knock at my door and sleep with me, instead."
Hindi siya sigurado kung biro ba iyon o seryoso pero base sa nakikita niya sa mga mata nito ay salungat iyon sa biro lang dahil ang apoy ng pagnanasa sa mga mata nito ay nakarehistro.
Pasimple niyang niyakap ang sarili. Nag-iinit na nanlalamig ang pakiramdam niya sa intensidad ng mga matang iyon na naglalakbay sa kabuuan niya.
"Ahm," Bakit ba wala siyang masabi?
"Yes?"
Pilit siyang nag-angat ng tingin sa binata. Nakatingin din ito sa kanya, naghihintay ng sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
General FictionWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
