Chapter Four
"STOP the drama, honey. Hindi 'yan nakakatulong sa pagtakas natin." Z annoyingly said. She pursed her lips. Hindi naman siya nagdadrama, alam niya naman na pabigat siya sa binata pero wala naman din siyang choice kundi bumuntot dito kesa maiwan at mamatay ng walang nakakaalam.
"Masakit na ang mga paa ko. Pwede bang magpahinga na muna tayo?" Reklamo niya ng maramdaman ang pamimigat ng mga paa dahil mahaba-haba na rin naman ang nilakad nila.
"No, tiisin mo muna. Hindi tayo pwedeng huminto sa lugar na ito kung kailan natin gusto." Pinagsiklop muli nito ang kamay nila na nagbigay lang ulit ng kiliti sa mga ugat niya.
"I need to make a call to Gia. Gusto kong malaman niya na nilisan na natin ang bahay niya."
"Later, okey?"
"O-okey, Sir."
"Z!"
"Okey, Z." Lihim siyang napangiti. Ang sungit!
SOBRANG dilim na sa paligid ng ekspertong i-unlocked ng sundalong kasama niya ang pintuan ng bahay na hinintuan nila. Hindi niya pa alam ang dahilan nito kung bakit sila biglang tumigil sa paglalakad at magtago sa loob ng may bahay ng may bahay.
Tahimik na sinundan niya ito paakyat sa pangalawang palapag. Paminsan-minsan ay napapakapit siya sa damit nito dahil sa dilim ng paligid. He did not bother to turn on the lights. Tila ba sanay na sanay ang mga mata nito sa madilim na paligid.
"Why do we stopped here?" She seated at the edge of the bed, while Z was busy with his rifle.
"We need to."
"Bakit nga?"
Inilabas nito mula sa bulsa ang kulay itim na maliit at makalumang cellphone nito. Hindi iyon touch screen, kundi, keypad. Hindi iyon agaw pansin at sa totoo lang ay hindi niya alam na may dala pala itong cellphone. Hindi ba dapat ay radio na kumukonekta sa kapwa nito sundalo?
"I received a text message from my boss, hours ago. Someone whom we trust told them that the rebels will attack tonight. That's why we need to stop here hanggang sa matapos ang pag-atake nila."
"Paano kung dito sa lugar na ito sila umatake?" Hindi niya naitago ang pag-aalala sa boses niya.
"They will attack the south bound of this place, honey. We were in the north bound right now."
"How did you know that we are in the north bound?"
He frowned. "Your stupid question made me so sick."
"I am just asking!"
"Hindi ako sumasabak sa giyera ng walang bala." Bagkos ay wika nito.
"I heard that a lot of times. Kahit nga hindi sundalo at pulis ay sinasabi 'yan." She crossed her arms over her chest, stopping herself to sounds bitchy at him.
"At hindi ako nagpunta sa lugar na ito para lang maligaw. That's plain stupid for a soldier like me."
"So, pinag-aralan mo ang lugar na ito?" Nakataas ang isang kilay niya.
"I need to. Bawat sulok o eskinita ng bayan na ito ay inaral ko muna." That impressed her. Nadadagdagan ng nadadagdagan ang paghanga niya para sa binata sa bawat oras na kasama niya ito. Nakakatakot na sa parte niya ang damdaming iyon. "Para naman hindi ako basta-basta mamamatay kapag hahabulin na ako ng bomba at bala." He slowly walked towards the window and put his telescope on his eyes. "Naitanim na kasi sa utak ng mga tao na kapag sinabing sundalo, kilala lang para sumabak sa giyera which is very true naman. Pero hindi naman lahat ay alam nila tungkol sa amin at sa trabaho namin. Well, hindi rin naman nila dapat malaman ang mga 'yon."
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Ficción GeneralWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...
