Chapter Nineteen
TOTOO nga pala talaga 'yung sinasabi nila na kapag kasama mo ang taong mahal mo para bang ayaw mo ng tumakbo pa ang oras, para bang mas gusto mong huminto na lang 'yon o kaya ay bumagal ang takbo niyon para masulit ang bawat segundo na kasama mo siya. And that's what Hon-Hon does, sinusulit niya ang bawat oras na kasama si Neil lalo na kapag silang dalawa lang. Tulad ngayon, magsisimba sila ng binata.
Nakailang palit na siya ng damit pero hindi pa din siya ma-satisfy sa itsura niya. Gabi ang misa, salubong sa kapistahan kinabukasan. Dumako ang mata niya sa cellphone na nasa side table ng kama. Kinuha niya iyon at sinagot ng makitang si Gia ang caller.
"Hello Gia? Napatawag ka?"
"At kung hindi ako tatawag ay hindi ka din tatawag Hon-Hon." Napangiwi siya sa sermon ng kabilang linya. Nakalimutan niya ng tawagan ang kaibigan simula ng dumating sila ni Neil sa bahay ng mga ito.
"Pasensya na, na-busy lang. And I'm enjoying my vacation with Neil."
"Bakasyon lang ba o tinanan ka na ng lalaking 'yan?!"
"Gia! Ano ba 'yang sinasabi mo?!" Pero aminin man niya o hindi ay tila kinilabutan siya sa paratang ng kaibigan. Paano kung tanan talaga ang ginagawa nila ni Neil? Hindi naman siguro! Bakasyon lang. Tama, bakasyon lang. "Wala sa isip namin ni Neil ang pagtatanan. Nagbabakasyon lang siya dito sa bahay nila. Ipinakilala niya ako sa kapatid at Mama niya—"
"See? Tinanan ka na nga ng lalaking 'yan, Hon-Hon!" Napapikit siya sa naghuhumirantadong boses nito. "Baka pagbalik mo dito sa Manila ay buntis ka na!"
"Gia!" Saway niya. "Huwag ka ngang over acting diyan. Kung gusto mo sumunod ka dito para alam mo ang sitwasyon namin ni Neil. Hindi kami nagtanan." Hindi ito umimik. "At kung sakaling tama ka nga, syempre sasabihin ko sa iyo. Ikaw lang ang nag-iisa kong kaibigan eh."
Gia let out a loud defeated breath. "Promise ha? Sabihin mo sa akin kung tanan na 'yang ginagawa niyo ni Neil." Tumango-tango siya kahit hindi nito nakikita. "At kung buntis ka ay sabihin—"
"Argh! Walang buntis, okey?"
"Baka lang naman. Gusto ko lang malaman kung magkakaro'n na ako ng inaanak." Bumungisngis pa ito na ikinatawa niya din.
"Sira ka talaga! Oh sige na, mag-usap na lang ulit tayo. Magsisimba pa kami ni Neil."
"Okey, enjoy your vacation at mag-iingat ka diyan."
"Yes. Ikaw din, mag-iingat." Iyon lang at naputol na ang tawag. Nangingiti na binaba niya ulit ang cellphone at sinuot na ang kulang navy blue dress na hanggang baba ng tuhod niya, pinarisan niya iyon ng flat dollshoes bago lumabas ng silid.
MARAMI ng tao sa loob at labas ng simbahan nang makarating sila ni Neil. Silang dalawa lang ang nagsimba dahil ang ina daw nito ay bukas ng umaga pa magsisimba. Pareho sila ng binata na tahimik na iginagala ang mata kung may bakanteng upuan pa pero wala na silang makita.
"Miss, dito ka na lang umupo." Ang lalaki sa kanan bahagi niya ay tumayo at in-offer ang upuan nito sa kanya. Tinignan niya si Neil, wala naman itong imik kaya naupo na din siya.
"Salamat."
"Basta sa tulad mong maganda, walang problema."
Napangiwi siya sa patutsadang iyon at pagkakita niya kay Neil ay magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa lalaki.
"What did you say?" Neil asked using his cold voice as he stare coldly at the man.
Mukhang napansin iyon ng lalaki. "Ah, ang sabi ko po maganda ang girlfriend niyo." Then he excused himself to them.
![](https://img.wattpad.com/cover/126632983-288-k794194.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hot Stranger (Published under LIB Bare)
Ficción GeneralWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa trabaho at sa bayan ang nagtulak sa kanya na bumalik sa serbisyo makalipas ang dalawang taong pagtatag...