Chapter 3 (Ang taga-masid)

569 11 1
                                    

( RAI'S P.O.V. )

       "OH, bakit ngayon ka lang?" Bati s'kin Francis.

       "May dinaanan lang pare, si Lon nasaan?" Pabalik kong sagot sa kanya.

       "Nasa itaas. Suma-shots lang ng kaunti baka gusto mong samahan kami."

       "Alam mo naman hindi na ako umiinom," ngunit may parang maliit na boses ang nag-uudyok sa akin na samahan sila. Mahigit dalawang taon na rin kasing hindi ako nakakainom ng alak. Ewan ko, gumising nalang ako isang umaga na parang matabang na para sa'kin ang alak hanggang sa tuluyan ko ng hindi nagustuhan.

       "Samahan mo na lang muna kami may mga pag-uusapan pa tayo." Sabi ni Francis.

      Umakyat kami sa hagdan. Dinig ang bawat yabag ng mabigat na paang napagod na sa maghapong habulan. Bumungad sa akin si Lon na nakaupo sa sofa, katapat nito ang dalawang baso na nasa ibabaw ng lamesitang yari sa salamin, may isang litrong beer at kaunting chitchirya. Buti naman at hindi pulang alak ang nasa lamesa, sa loob-loob ko. Umupo kami sa upuang nakapalibot sa lamesang yon.

      "Ako na ba Lon?" Si Francis.

      "Oo, katatapos ko lang."

       Isinalin ni Francis ang alak sa katapat na baso pagkatapos ay sinalinan din nito ang kay Lon.

       "Ikaw Rai? Ayaw mo ba talaga?" Alok nito sa akin.

       Umiling ako sabay sensyas na pagtanggi.

         Biglang nanahimik ang paligid, pakiramdam ko tuloy ay may tensyong nagaganap nung mga oras na yon. Binalingan ko ng tingin si Lon, kanina pa ito nagmumuni-muni, pilit kong binasa ang mukha nito ngunit maaliwalas. Nangangamba akong tanungin siya ukol sa insidente kanina ngunit na pagdesisyunan ko nalang na h'wag nang ungkatin pa. Tapos na rin naman ang misyon at napagtagumpayan na.

       "Nakita mo ba si Elena?" Si Lon.

         Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, nabatid kong ayos lang siya at wala na akong dapat ipag-alala pa.

        "Gabi na ako nakarating kaya hindi ko na siya nakita."

        Tumunog naman bigla ang cell phone ni Francis. Tumayo ito saglit at sinilip kung sino ang tumatawag, nabasa ko sa reaksiyon niya na malamang importante yung tawag.

       "Sandali lang." Banggit nito.

        Nanahimik muna kami. Sumenyas si Francis na lalabas muna sa terrace. Mukhang kilala ko na kung sino ang tumawag.

        "Si Maestro," bulong ni Lon.

       Ang lalaking nagpabago ng buhay namin. Una ko siyang nakita noong mga panahong gulong-gulo ako sa mga problema. Noong mga oras na, nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay. Noong mga sandaling handa ko na isuko ang lahat, para kay Elena. Tumitig ako sa kawalan at muling inalala ang lahat.

-----

      Mga ilang taon sa nakaraan.

      Naglalakad ako noon sa isang madilim na kalsada ng makita ko ang isang lalaking may tangang baril, tinutukan nito ang isang lalaking unipormado na nagmamakaawa para sa kanyang buhay. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa at tumakas sa nakakatakot na pagkakataong iyon. Ang tanging nagawa ko lamang ay panuorin ang mga sumunod na eksena.

       Nasindak ako sa aking nasaksihan. Sa aking harapan ay walang kaabog-abog na pinatay nito yung lalakeng yon. Isang duguang katawan ang agad na humandusay sa bangketa. Bakit parang napakadali lang para sa kanya na kumitil ng tao?

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon