Chapter 8 (Ang kababata)

353 14 0
                                    

(NARRATOR'S POV)

     "YAYA, dumating na ba si Mama?" tanong ni Patricia.

     "Wala pa sila rito." sagot naman ni Melba, matagal na rin 'tong nagsisilbi sa pamilya nila.

    "Pahain naman. Nagugutom na kasi ako." Hiling nito

     "Sige Pat, niluto ko yung paborito mo ngayon."

          Nagmula si Patricia sa isang respetadong pamilya. Parehong nasa negosyo ang kanyang mga magulang ngunit hindi niya yata namana ang interes ng mga ito. Pinili niyang maging pulis tulad ng kanyang pumanaw na lolo. Malaki kasi ang utang na loob ni Patricia sa kanyang lolo dahil ito na ang nagpalaki sa kanya mula ng mag-abroad ang kanyang mga magulang.

          Masuwerte siya at matapos ng ilang taong paglalagi ng mga ito sa abroad ay napagdesisyunan na rin ang kanyang mga magulang na muling manirahan sa bansa. 

      "Hay naku, Yaya. Pagod na pagod ako!" Inunat-unat ni Patricia ang kanyang likod.

       "Eh ba't ba kasi pagpupulis pa yang pinili mo?"

       "Alam mo namang idol ko si lolo saka pangarap ko 'to, di ba?"

      "Abay! Ako'y kinakabahan diyan sa trabaho mo." Nag-alala ang matanda.

       "Yaya, malakas yata 'to. Saka kaya ko naman yung trabaho."

       "Ang sa'kin lang, dapat mag-iingat ka. Alam mo namang ikaw lang ang unica-hija ng mga magulang mo."

       Umismid si Patricia.

       "Yaya, alam mo namang ayaw kong pini-prinsesa ako."

       "Hala! Kumain ka na diyan."

-----

       KINABUKASAN

       "Hello, Dan! Nakuha mo na ba yung statement ni Kat tungkol sa Jonas park incident ni Lea." tanong ni Patricia kay sa SPO1 Dan Lusong.

        "Oo, mukhang may progress na tayo sa kaso. Dumaan ako kanina sa park at may nakausap ako roon na ilang nakakita sa insidente. Sa ngayon, mukhang improving at umuusad na yung investigation natin." Paliwanag ni Dan.

       "Okay, buti pa sundan na kita d'yan. May ni-recommend sa'kin nj asset yung senior ko. Mukhang malaki ang kuneksiyon nito sa kaso."

-----

Sa isang eskinita sa may Quiapo.

       "Ah! Mama magtatanong ho sana. Saan ho ba dito yung bahay ni Mang Jun?" tanong ni Patricia sa mamang nagbebenta ng diyaryo.

       "Naku, maraming Jun dito miss e." sagot naman nito.

       "Yung naghahasa po ng kutsilyo." pahabol niya pa.

       "Ay si Jun Batangas ba'y kamo. Ayun sa may tabi ng Shoe repair. Pumasok ka lang sa eskinitang yan, tumbok na nuon yung bahay niya."

      "Sige po. Salamat. Tara na Dan."

        Nilakad nila yung direksiyon na itinuro ng matanda at duo'y bumungad sa kanila yung mama na naghahasa ng lagare.

        "Kayo po ba si mang Jun?" tanong agad ni Dan.

        "Ako nga bakit?" Pagtataka nito.

        "Kami po yung pinadala ni Sir Mario." Singit sa usapan naman ng dalagang pulis.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon