Chapter 10 (Ang dikta ng damdamin)

367 11 3
                                    

       (RAI'S P.O.V.)

       "MABUTI naman, mahimbing ang tulog niya." Wika ni Elena habang inilalapat nito yung kanyang palad sa aking noo.

      Ramdam ko ang init sa kanyang kamay na dati-rati'y kay liit. Naalala ko na inaakay ko pa siya noong kabataan pa namin sa tuwing magpupunta kami sa parke. Kay bilis talagang tumakbo ng panahon at para bang napag-iiwanan na 'ko.

      Alam kong kanina pa niya ako pinagmamasdan noong mga oras na yon. Nagpapanggap akong tulog. Pilit kong pinigilan na idilat ang aking mga mata upang masilayan muli ang kanyang mukha. Alam kong nasa isang malaking gusot pa ako. Ayoko lang na idamay pa siya sa kaguluhan ng buhay ko.

      Hindi niya dapat malaman.

      Pinilit kong magtimpi dahil sa oras na makita ko siya baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili na ipagtapat sa kanya ang lahat.

       Huwag— hindi pa dapat.

       Kinukumbinsi ko ang aking sarili. Narinig ko ang ilang yabag at pagsara ng pinto.

      Kahit nanghihina pa'y pinilit kong tumindig dahil kailangan ko nang umalis sa lugar na yon. Naramdaman kong nanginig ang aking mga tuhod. Dalawang araw na pala akong hindi kumakain. Ramdam kong humihilab na ang aking sikmura. May mga prutas sa lamesa. Kumuha ako ng isa at kinain ito.

          Pasikreto akong naglakad palabas ng pinto.

      Sa hallway, nadaanan ko ang isang maliit na prayer room at may naaninag ako sa may altar.

      Nandoon si Elena... Taimtim na nagdadasal. Ramdam ko ang kasiyahan nang malaman kong maayos na ang kanyang lagay. Ano mang mangyari mapapanatag na ako.

       Kailangan mong mabuhay, Elena... Kapatid ko.

       Tuluyan ko ng nilisan ang orphanage bagamat mabigat ang aking mga hakbang batid ko naman na gumaan yung puso ko.

        Balang araw Elena, magkakasama rin tayo.

       Muli kong sinulyapan yung orphanage bago ako tuluyang nilisan ito.

-----

     (NARRATOR'S P.O.V.)

      Ilang araw ang lumipas.

      "Hoy, Lea! Buti ka pa nagbabakasyon." Busisi ni Kat habang nakikipag-usap sa kabilang linya ng cell phone.

     "Bakasyon ba 'to? May dalawang escort sa tabi ko tapos hindi pa ko makalabas dito. Na-bo-bored na 'ko sa loob." Kuwento ni Lea.

     "Ayos na yan kaysa kung sinu-sino pang yung lumapit sayo at pagtatangkaan ka na naman."

      Natigilan siya at natawa. "Iba talaga 'tong ganda ko Kat."

     "Oo nga pang tindero lang ang beauty mo." Tumawa din ng pagak si Kat.

     "Hoy, ang sama mo talaga."

      Pilit tinatakpan ni Lea ng ngiti ang lahat. Marahil ayaw nitong ipahalatang pinanghihinaan din siya ng loob.

     "Pogi ba?" Landing banggit naman ni Kat.

    "Ha! Sino?"

    "Ang mga bodyguards mo."

      Ngumiti siya at sinulyapan ang mga ito. "Puwede na rin! Mukhang mature naman sila. Bagay kayo Kat." Natawa ito dahil mga gurang na kasi sila.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon