Chapter 5 (Ang muling pagkikita)

453 12 0
                                    

( RAI'S P.O.V. )

    ILANG araw na rin ang lumipas mula noong huling misyon namin. Magandang pagkakatoon ito upang makapagpapahinga kami ng matagal. Balita ko kay Francis na may inihahanda raw na panibagong misyon ang Konseho.

Sa isang mall.

     "Maganda kaya ito?" Tanong ko naman habang pinagmamasdan ang isang malaking movie poster sa gilid ng sinehan.

     "Matagal na nating inaantay yan, di ba?" Sagot ni Lon.

    "Baka naman masayang lang ang pera natin dito."

     "Umiral na nanaman yang kakuriputan mo'h!" Pangungutya niya kaagad. "Ako ng bahala!" Matapos nuo'y napakamot nalang ito ng ulo.

      Galante talaga si Lon pagdating sa mga ganitong bagay. Palibhasa'y sanay makipag-date sa kani-kaninong babae kaya laging pa-impress.

    "Sige, sagot ko na yung foods and drinks," pang bawi ko kaagad sa kanya.

     Tumalima na siya patungo sa ticket booth. Maya-maya rin ay gumawi na ako sa snackbar upang bumili ng makakain namin sa loob.

     Matapos bumili ay naghintay ako sa tapat ng entrance ng Moviehouse. Mukhang naunahan ko siya dahil mahaba pa ang pila sa booth. Inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid upang makikiramdam sa galaw ng mga tao.

     Ngunit sa hindi inaasahang pagkakatao may isang tao gumulantang sa akin.

    "Iyong... nurse!"

     Unti-unting lumalapit siya sa kinatatayuan ko, kasalukuyan namang kausap nito ang isang babae na marahil ay kaibigan niya. Narinig ko ang mga mahihinang tawanan nila, na lalo namang nagpakaba sa akin.

      Pasimple ko siyang tinitigan habang mangilang-ngilang hakbang pa lang ang layo nito sa akin. Mukhang hindi ko na maiiwasan ang pagkikitang ito.

      Pero nakakapagtaka, bakit hindi ko maigalaw ang aking paa?

      Dahil ba sa labis na pagkabigla o dahil ba sa namumuong pag-aalala na baka makilala ako nito?

     Maya-maya'y dumating na ang hindi maiiwasang pagkakataon, nagkaharap kami. Tiningnan niya ako at matapos nuo'y binigyan niya ako ng isang ngiti. Hanggang sa tuluyan na siyang lumagpas sa akin.

     Tulalang napipi ako sa aking kinatatayuan.

      Nakakapagtaka dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko ay may nadama akong kakaiba. Nakakapanibago, ngayon lang ako kinabahan ng ganito at hindi ko maipaliwanag, kung ano.

      Hinawakan ko ang aking dibdib upang damhin ang kakaibang kabog na dulot n'yon.

     Bakit ganito?

     Anong gagawin ko ngayong nasa iisang lugar lang kami ng witness? Nagkaroon ako ng interest na kilalanin siya.

     "Hoy! Ano tara na! Ang haba kasi ng pila?" Bati ni Lon.

     Sandali akong nag-isip, pinag-iisipan kung sasabihin sa kanya ang mga nakita ko hanggang sa naisip kong alamin. Susugal ako sa pagkakataong ito.

     "Pumasok na tayo!"

     Pagkatapos ng pelikula'y lumabas kami agad. Naisipan kong umiwas nalang sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon dahil sa oras na magkita kami muli, baka maalala na niya ang lahat. Dumaan kami ni Lon sa isang fastfood chain upang kumain.

      "Mukhang gusto kong mag-rice, chicken na lang ako, pare." Hiling ko sa kanya habang tinitingnan ang menu sa itaas. "Yun na rin ako, basta  may side dish." Sagot naman niya habang hindi magkanda-ugaga sa pagpili. Umupo kami malapit sa may window overlooking ang metro at kahit maraming customers sa lugar ay nasuwertehan pa rin naming may bakanteng mesa.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon