Chapter 23 (Ang Konseho)

277 12 1
                                    

(NARRATOR'S P.O.V.)

"MADA'AM Orchid."

"Hindi ba't pinaalalahanan na kita na huwag mo kong tatawagin sa pangalang iyan lalo na't nandito tayo sa mansiyon."

Sinilip nito ang kanyang apo na abala naman sa paglalaro ng manika.

"Paumanhin po Doktora Benitez, pero may mga importanteng dokumento po ako na galing sa SILAY."

"Sige... Maghintay ka na lang muna sa hallway ng opisina ko. Tatapusin ko lang ang pagdidilig ko ng mga halaman."

"Opo."

Si Dos ang kanang kamay ni Mada'am Orchid: ang pangalawa sa mga Konsehal. Siya ang assigned protector o ang kanyang exclusive bodyguard. Isa siya sa mga senior hitman ng Konseho. Napili siya ni Mada'am Orchid matapos mamatay ng orihinal na Dos.

"Lola, that man is here again." boses ng isang bata.

"Ha! Don't worry hija. He's my secretary." Sagot niya sa kanyang apo. "Irene. Go play with yaya muna ha! Lola is busy."

"Hmm... Okay!"

Matapos ang ginagawa nito sa garden ay agad ding nagtungo ang matanda sa kanyang opisina. Pinanguna muna ni Dos na makapasok ang matanda at saka sumunod sa loob.

"What seems to be the problem?"

"Ito po ang file report mula sa SILAY, galing po ito sa main natin." Sagot ni Dos.

Ang SILAY; ang division ng Konseho na nangangalaga at nangangalap ng impormasyon ukol sa mga misyon. Binubuo ito ng ilang sangay ng iba't ibang grupong bihasa sa information gathering at surveilance teams. Si Francis ay kabilang sa division na ito.

"Hindi ba si Mondragon ito. He is already dead." Paalala ng matanda.

"Apparently not, Mada'am."

Inangat nito ang naunang pahina at tumingin sa mga larawang kuha sa papel.

Kinuha ni Mada'am Orchid, ang kanyang reading glass at isinuot. Binasa nito ang serveilance report.

"Kahapon po kuha ang mga iyan, mga bandang 6:34 pm sa isang ATM booth sa may Pasig. May nagtankang i-access ang account ni Agent: 00111381 at na-detect po ito ng SILAY. Agad silang nagimbestiga at nakakuha po tayo ng image mula sa surveilance camera nila sa booth. Pina-check po namin at na-confirm na si Raizen Mondragon po ito." Pagsasalaysay ni Dos.

"So... Buhay pa pala siya."

"Opo..." Napayuko na lamang si Dos.

"Ang batas ay batas, Dos! Inalatag yan para maging panuntunan ng organisasyon. Ito ang gulugod ng Konseho at ang mga bawat kilos natin ay dapat umaayon sa ating patakaran. Makikipag-usap ako sa iba pang Konsehal tungkol sa problemang ito. Sa ngayon mag-assign ka ng isang grupo na magmamanman sa grupo ni Maestro. Make sure you gather those informations upang madiin ang grupo nila. Ang mga tulad nila ang sumisira sa integridad ng ating sistema." Napasandal ito sa upuan. "Sige na, mauna ka na!"

Nakuha naman ito ni Dos.

Hinubad nito ang kanyang salamin at kinusot ang kanyang mata. May ilang imahe ng alaala na siyang dumalaw sa kanyang gunita. Isang pangyayari sa nakaraan kung saan nasa kanyang harapan si Maestro habang tuon naman ang kanyang mata sa isang payat na bata na natutulog sa sofa.

"Ang batang ito." Sambit niya habang nakatingin sa larawan. "Nangako kang magsisilbi ng buong katapatan sa Konseho ngunit ngayon- itinuturing ka nalang na isa sa mga traydor." May bahid ng pagsisisi sa naging wika nito.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon