Chapter 9 (Ang pulang envelop)

339 12 0
                                    

(RAI'S POV)    

           KAKAUWI ko lang mula sa Laguna. Sa wakas, nakuha ko na rin ang pang-99th mission ko. Hindi ako makapaniwala na isa nalang ang kinakailangang bunuin upang matapos ko na ang lahat.

          Ayon sa napagkasunduan sa kontrata, ang pagtupad sa 100 successful missions ay maghuhudyat na pagsasawalang bisa nito.

         "Oh, kamusta? Kumain ka na ba?" Tanong ni Francis matapos madatnan ako sa sofa.

          "Hindi pa. Ang sama ng pakiramdan ko!" Sagot ko sa kanya, ni hindi ko na nga ma-iangat yung likod ko sa sofa.

         "Nasaan si Lon?" Tanong nitong muli.

         "Ewan ko umalis kanina. Hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta."

         "So successful ba yung mission mo sa Laguna?"

         Mag-isa lang kasi ako sa pagkakataong iyon. Simple lang kasi ang misyon at madali kong itong natapos.

        "Oo, masuwerte ako at madali ang isang iyon. Aray!" Napadaing ako, hawak ko naman ang aking balikat. "Ikaw na muna ang magluto ngayon Francis medyo masama pa kasi yung pakiramdam ko."

       Nakita kong tumango siya.

      "Sige, baba na 'ko. Ah, oo nga pala! May red envelop ka galing kay Maestro. Nakalimutan kong ibigay kagabi."

      "Red envelop?" Pagtataka ko.

        Isang 'personal mission'. Hindi na bago para sa'kin ang Red envelop ngunit nakakapagtaka ang  kabang nararamdaman ko noong mga oras na yon dahil nakaloob sa sobreng ito ang huli kong misyon.

          Pinunit ko ang dulo ng pulang envelop. Hinugot ko ang ilang pahina ng papel sa loob. Kalakip nito ang mission order. Nakapa ko yung litrato sa likuran ngunit binasa ko muna ang laman nito.

        Binasa ko... Hanggang sa nagimbal ako.

       Nanginig ang aking laman at tuluyang nanlumo. Hindi ko inisip na aabot sa ganitong sitwasyon ang lahat. Marahan kong sinilip ang litrato at para bang barahang pinipintahan ito.

        Umasa akong mali ang pangalang nakasulat sa mission order ngunit bigo ako at batay sa litratong hawak ko noong mga oras na yon. Isang tao lang ang nagmamay-ari nito.

         Binitawan ko yung papel at tuluyuang lumugmok sa upuan.

-----

8/05/13

Mr. Mondragon,

         I would like to inform you about your designated mission:

         Case no : 401278

         Handler: Maestro

         Location: El Rancho  IV,Marikina City.

          Target: Lea Ivy E. Sakristan

          0ther acquired informations about the subject are included. Please, be informed.

          The Council has decided to process the said case and voted, therefore ; the Council hereby sentence the subject for immediate :

          Termination

          on  08 - 16 - 2013

           Failure to uphold the verdict, shall result to your immediate processing.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon