Chapter 6 (Ang Hatol)

425 14 0
                                    

( RAI'S P.O.V. )

     TUMUNOG ang aking cell phone.

     "Ang baduy ng message tone mo!" Pangungutya pa ni Lon.

     Nagustuhan ko lang iyong soundtrack ng paborito kong drama sa TV. Nakangiting dinakma ko iyong cell phone sa lamesa.

     "Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Lea, mag-iisang linggo na yang pagcha-chat ninyo. Alam mo—nakakapanibago ka." Banggit ni Lon sa akin matapos nuo'y isang masayang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

        "Eh, kayo ni Kat kamusta? Hindi ba nag-date kayo kahapon?" Pasimpleng umiwas siya. "Mukhang nag-enjoy ka masyado dahil inumaga ka na ng uwi."

        Hindi nito mapaliwanag ang gumuhit na ngiti sa labi ko.

      "Uhm, mahirap ng magsalita pero alam mo namang gentleman tayo at lalong lalo na... wholesome."

     "Tss! Talaga lang ha!" Banat ko naman sa kanya habang dinudutdot ang phone ko.

       Di hamak na mabilis talaga ang galamay nito pagdating sa mga babae. Ang pinagtatakahan ko lang ni minsa'y wala siyang sineryoso kahit isa. Karaniwan nang patatagalin ng isang buwan ang relasyon at bigla nalang iiwanan.

     Kung sa bagay naiintindihan ko rin naman siya dahil sa uri na rin ng trabaho namin. Any kind of emotional attachment to others would be a sure hindrance, to us. Walang gustong maging boyfriend ang isang killer na tulad namin.

     "Okay pick you up at 3pm." Last text ko sa kanya. Muli kong inilapag sa mesa ang unit ko.

     Ilang minutong tinitigan ko 'to, umaasang sasagot agad siya. Parang istatwang alerto sa pagtunog nitong muli.

    May tumamang bolang papel sa aking nuo. Nakakainis, nang-aasar na naman 'tong si Lon.

    "Ano ba!? Tss!" Inis na sabi ko.

   "Baka sumabog na yan sa kati-titig mo." Pang-aasar pa niya.

    Tumunog itong muli. Mukhang nag-reply naman siya. Tarantang dinampot ko ito.

    "Ok, I'll be out soon." Mensaheng nakalagay.

     Muli na namang gumuhit ang ngiti sa aking pisngi. Hindi ko inasahan na matutuwa ako sa pag-reply niyang yon.

     Pero teka, bakit nga ba ganito ang nagiging reaksiyon ko?

     Agad na nagseryoso ako ng mukha. May dahilan kung bakit lumalapit ako sa kanya at ito'y tungkol lamang sa komplikadong gulong kinasasangkutan ng babaeng ito.

     Hindi na nakatiis si Lon. Sa halip na sagutin ang naiwang tanong ko'y kumanta nalang ito.

♫ ♪ Bakit di nalang totohanin ang lahat... Ang kailangan ko'y paglingap--- ♫ ♪

    Kuha ko naman na inaasar niya lang ako kaya agad kong dinampot yung papel na ibinato niya kanina at ganting ibinato ito pabalik sa kanya.

    Natatawang umilag siya.

-----

Sa aking silid.

      Hinanda ko na ang susuotin, pakiramdam ko excited na kong makita siya. Maingat kong pinili kanina iyong damit na babagay sa akin.

    "Rai, let me remind you, you're only monitoring her. Don't attach yourself too much!" Si Francis na kanina pa pala pinagmamasdan ako. "Pero nakikita kong masaya ka. Kaya hinahayaan lang kita. Ang sa akin lang eh, paalala." Dagdag pa niya.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon