Chapter 13 (Ang pagluha ng dugo)

318 14 6
                                    

( NARRATOR'S P.O.V )

           NAGPUPUYOS ang langit at tila nakikisabay sa bawat bugso ng damdamin. Mababanaag ang malakas na buhos ng ulan. Alam ni Lon ang maaaring mangyari sa gabing iyon ngunit pinagtatalunan pa rin ng kanyang sarili ang mga dapat niyang gawin sa oras na lumabas na ang target. Nasa tore siya ng isang Chapel, nag-aabang ng kanyang bibiktimahin.

           "Rai, bakit tayo humantong sa ganito?" Mahinang sambit ni Lon.

            Ipinatong niya ang kanyang ripleng si Pat sa isang tarangkahang yari sa semento. Pinunasan niya ang lente dahil sa hamog na namuo. Napabuntong-hininga siya, hindi niya matanggap na gamitin ito upang pumatay ng isang kadugo.

           Ano ba ang dahilan kung bakit ako narito? Ama kung nakikinig ka dapat ko nga bang hayaan nalang na mabaliwala ang hustisyang nararapat para sa iyo.

             Muling sinipat ni Lon ang kanyang relo— 9:07 pm.

             Binibilang niya ang tumatakbong sandali sa buhay ni Rai.

             Hanggang sa nakaugalian ay dumating nga si Rai. Umaraw man o umulan. Alam niyang dadalaw ito kay Elena.

------

( RAI'S P.O.V. )

        SA JONA'S PARK, ipinarada ko ang aking sasakyan. Gamit ang isang itim na payong ay marahang sumugod sa ulan. Nakaramdam ako ng kakaiba sa gabing ito. Kutob na may nagbabadyang panganib sa aking paligid ngunit handa na 'ko sa mga maaring mangyari.

           Hindi ako ganun kadaling itumba. Isang baril sa aking likuran ang bukod tanging armas na meron ako.

------

( NARRATOR'S P.O.V. )

            IDINILAT ni Lon ang kanyang mga mata. Ini-adjust niya yung riple upang sipatin ang kinalalagyan ng kanyang biktima. Inilagay ni Lon ang nanginginig niyang daliri sa gatilyo. Bumilang siya ng ilang segundo ngunit may kunsensyang pumipigil sa kanya. Marami na sanang pagkakataon dumaan upang iputok niya ang kanyang riple ngunit napipigilan siya.

            Hanggang sa hindi na niya kinaya.

           "Lintek! Hindi ko 'to kayang gawin." Inalis niya ang kanyang daliri sa gatilyo. "Pat! Pasensiya na pero hindi kita gagamitin upang patayin ang pinsan ko."

           Ibinaba ni Lon ang kanyang riple at nagdesisyong bumaba sa tore.

         Hindi sa ganitong paraan, Rai. Hindi!

-----

( RAI'S P.O.V. )

          PATULOY kong tinitigan ang bintana sa third floor ng orphanage. Patay na ang ilaw ng kuwarto, marahil dahil tulog na si Elena. Maaaring ito na ang huling beses na magkikita pa tayo. Maaring hindi mo na malalaman pa na buhay ako.

          Gusto kong katukin ang pinto at sabihin na sa'yo ang lahat ngunit natatakot akong madamay ka pa sa gulo.

         "Pangako mo sa'kin na mabubuhay ka Elena. Iyon lang, kahit kunin na ng langit ang buhay ko. Sapat na iyon, wala na akong mukhang maihaharap pa sa mga magulang natin sakaling magkita man kami sa kabilang buhay ngunit alam kong mabubuhay ka."

         Natigilan ako...

         "Si Lon na ang bahala. Alam kong hindi ka niya pababayaan."

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon