Chapter 29 ( Delubyo )

301 10 1
                                    

( NARRATOR'S P.O.V. )

"SIR, hindi na po namin ma-contact si Berdugo."

"Hayaan mo muna. Inaaliw lang niya ang sarili niya." Sagot nito sa alalay. Agad din naman itong umalis at hinayaang makakain ang kanyang amo.

"Kumain ka Lea, huwag kang mahiya." Pang-iimbita naman ni Mr. Zeto.

Glamorosang hapag ang nasa harapan ni Lea, puno ng mga first class dishes, wine at candle lights.

"Hindi ako katulad ni Berdugo! Ms. Sakristan na walang respeto sa mga babae. Please help yourself." Dagdag pa nito.

"Wala akong kinalaman sa mga away ninyo, please Sir! Gusto ko pong umuwi." Kinakabahang sabi niya.

"But the truth is, you're a part of this. Kailangan naming makuha ang atensiyon ng grupo ni Maestro. And you're the perfect bait. We can always go directly to them, but- it wont be a challenge." Paliwanag ni Zeto.

"Hindi ko kilala, ang mga taong sinasabi mo. Please sir, I need to go home!"

"In time you will, Miss Lea. But for now, you will stay here!"

Napatitig nalang sa kawalan si Lea, parang hindi ito makapaniwala na nasa ganoong sitwasyon siya. Ang alam lang niya, nagmahal siya ng isang taong may kakaibang mundong ginagalawan. Kailangan niyang makisabay sa agos dahil kung hindi- siguradong mapapahamak siya.

Rai, mag-iingat ka! Sa isipan niya.

---------

( RAI'S P.O.V. )

GABI NA ng makarating kami sa mansiyon ni Zibral Meneses, isang malawak na rancho ang bumungad sa amin. May bakod ang buong property at guwardiyado ang loob. Nasa loob kami ng van matapos makapag-park sa di-kalayuan.

"Sigurado ka ba na ayos ka na Rai?" Alalang bati ni Lon habang siniset-up ang riple niyang si Pat.

Kinuha ko ang aking baril, isinalang ang bagong magazine at ikinasa ito. Naglagay ako ng extra ammo sa aking belt strap. Full-gear kami dahil sisiguruhin kong magiging impiyerno ang loob ng mansiyon ni Zeto.

"Set-up na ba kayo?" Tiningnan kami ni Dos upang maniguro kung handa na kami.

"Yes Sir, handa na po kami." Agarang sagot ni Lon. Naipakilala na siya sa'min ni Maestro. Ilang oras matapos ang engkuwentro sa Central.

"Papasok tayong dalawa sa loob, gaya ng plano. Lon, standby ka sa itaas ng burol na iyon. Magandang posisyon iyon para sa iyo. Basta siguruhin mo lang na, i-camoflage ang sarili mo para hindi ka mapuna."

"Opo Sir!"

"Salamat Sir, at tinutulungan ninyo kami." Wika ko.

"Si Zeto ang misyon ko rito, kailangan na maitumba ko siya. Iyon lang ang priority ko." Seryosong bigkas niya habang nagsisilid ng mga magazines at bala.

Kahit ganuon ang naging sagot niya'y alam kong tutulungan niya pa rin kami. Wala raw kaming magiging problema sa kanya, ayon kay Maestro.

"Dalawa tayong papasok Raizen. Uubusin ko ang mga nasa labas pagkatapos n'un ikaw ang magpe-penetrate sa loob ng mansiyon. Susunod nalang ako. Make it sure that you assist us, Lon!" Huling bilin pa ni Dos.

"Kopya, com-link check!" Sinambit ko sa chocker kong suot.

"Check!" Si Lon.

"Okay, we're good to go." Wika ni Dos.

Nagkanya-kanya na kami ng puwesto, nagtungo kaming dalawa ni Dos sa isang pader at inakyat ito. Napunta naman si Lon sa puwesto niya.

Napuna ko ang ilang mga parteng mapuno at madamo. Magandang oportunidad ito upang makapasok ng walang makakapansin. Inumang na namin sa harapan ang aming naka-silencer na baril. Hinahanda ang sarili sa mga posibleng mangyayari. Tumigil nalang kami ng makarating sa isang parteng natatakpan ng mga puno.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon