Chapter 28 (Ang Central)

263 9 2
                                    

(RAI'S P.O.V.)

INABISUHAN kami ni Maestro na maging matalas at maingat. Alam niya na isang bitag lang ang papasukin namin sa Central. Tiniis ko ang labis na pagkainip at pag-aalala, para sa ikatatagumpay ng aming misyon. Mas mabuti na raw sumugod sa 'di inaasahang pagkakataon kaysa ilagay ang sarili sa nakaabang panganib. Sana lang ay hindi panghinaan ng loob si Lea.

"Oras na!" Wika ni Lon. Pinagmasdan niya ang tulala kong hitsura.

Pumarada kami malapit sa Central, ito ang tawag sa buong compound ng dating Konseho. Sinipat namin ang bukana ng gate. Pinalibutan kami ng pangamba dahil sa mga maaaring mangyari sa amin sa loob ngunit gusto kong pakatatagan ang aking sarili. Alam kong magiging mahirap ito lalo't buhay ni Lea ang pinag-uusapan.

Ayoko nang magbaka-sakali pa at ni ayaw ko nang isipin pa ang maaaring mangyari sa'min sa likod ng gate na ito. Ang tanging ninanais ko lamang ay mailigtas si Lea.

Patuloy naman na pinagmamasdan ako ni Lon.

"Huwag kang mag-alala. Mababawi rin natin siya." Pangungumbinsi pa nito, pinalalakas niya ang aking loob.

Isang malalim na buntong-hininga ang iginanti ko, hindi ko pa rin alam ang mga salitang sasabihin ko sa kanya upang hindi na siya mabahala.

"Pumasok na tayo." Sabi ko.

Sa kabila ng mga matatayog na pader na ito, makakaharap na namin ang isang matinding kalbaryo. Baon ang tapang na naipon ko sa aking dibdib ay walang pag-alinlangan na binuksan ko ang pintuan ng sasakyan kasabay din nuon ang pagbaba ni Lon. Nagtungo kami sa likurang bahagi ng kotse. Naalala ko bigla ang bagaheng ipinabaon sa amin ni Maestro. Tactical rifles, ilang handguns, magazines, ammos at gaya nga ng nakaugalian ni Lon ang kanyang sniper-rifle na si Pat.

"Dadalhin mo ba 'to?" Seryosong tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Napagisip-isip ko na samahan ka. Dalawa tayong papasok sa loob. Laban ko rin ito, Rai."

Nakakapanibago tuloy, madalas kasing lagi siyang pumupuwesto sa malayo, tuwing may misyon kami. Mas gamay kasi niya ang ganoong klaseng taktika. Sa hitsura nito, mukhang nais niyang makisimpatiya sa akin.

"Sigurado ka?" Tanong ko at seryosong tumango lang ito.

"Wala ng atrasan 'to... Pare." Aniya.

Nabasa ko ang mga ikinikilos niya, mukhang determinado talaga siya sa susuunging panganib. Hindi ko rin naman siya masisisi, isang personal na laban din ito para sa kanya. Kumuha ako ng isang tactical handgun at tatlong extra magazines. Dalawang baril naman ang sa kanya. Binitbit ang isa at ang isa pa'y isinuksok nito sa lalagyang naka-strap sa kanyang kaliwang hita.

Ang Central ay isang gusaling abandonado. Ito ang dating kuta ng unang Konseho hanggang sa ilipat nila ito sa gitna ng siyudad kung saan, kasalukuyan na itong nagkukubli sa pagitan ng mga nagtataasang gusali.

Sa araw na ito papasukin namin ang panganib. Sana lang sapat na ang baon kong tapang upang mapagtagumpayan namin ito.

Lakas loob naming pinasok ang tarangkahan, puno kami ng derminasyon para sa pagtapos ng aming misyon. Dito na namin tatapusin ang lahat. Kung ano man ang magiging kahihitnan nito, bahala na siguro ang nasa itaas.

-----

(NARRATOR'S P.O.V.)

"DUMATING na ang mga bisita natin, Sir." Sabi ng isang tauhan ni Berdugo.

"Hayaan ninyong makalapit. Pumuwesto na kayo!"

May tatlong kasama si Berdugo sa loob, mga kriminal na inarkila ng kanilang grupo. Si Berdugo ay bihasa sa intelligence gathering at kilala siya pagdating sa interrogation. Madalas ay brutal ang napipili niyang pamamaraan upang makakuha ng impormasyon. Akmang-akma sa pangalang ibinansag sa kanya.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon