Chapter 21 ( Ang nakaw )

246 10 1
                                    

( NARRATOR'S P.O.V. )

HINATAK ni Patricia palabas ng sasakyan si Lon. Dinala siya nito sa isang parke.

"Dan, dito ka muna. Antayin mo nalang ako." Utos nito sa ka-partner niya.

"Mendoza, akala ko ba sa presinto natin dadalhin yan?"

"Hindi na! Nagbago na ang isip ko. Ako na lang ang magtatanong sa kanya." Anito.

"HOY! Hindi porque mga pulis kayo ay puwede n'yo na akong saktan. Saka tangalin mo nga 'tong posas! Hindi ako kriminal." Nagpupuyos na usal ni Lon.

Naningkit ang mga mata ni Patricia. Palibhasa'y singkit na talaga ito kaya lalo pa itong nanliit. Binigwasan niya ito ng isang malutong na batok sa noo.

"H'wag ka nang ma-daldal diyan. Sumunod ka nalang. HA!"

Nakakasindak ang angas nito.

"Aray... Ahhh!" Sigaw ni Lon habang kinikiskis niya ang kanyang nuo. Nangiwi ang mukha niya sa sakit. "Sadista ka ba? Lintek naman oh! Masakit ha!"

Nananatili pa rin silang magkaposas. Hinila siya at kinaladkad nito papasok ng parke. Nabasa naman ni Lon ang signboard nuon na nagsasabing nasa Bethoven's Park sila. Hinayaan nalang niyang magpadala dahil kung manlalaban man siya lalo lang manghihinala ang pulis na ito.

Tinapatan nila ang isang bench. Inutusan agad siya ni Lon na umupo. Ikinarindi naman iyon ni Lon. Nairita siya dahil wala pang babaeng nagmando sa kanya ng ganito. Kung tutuusin ay kayang-kaya naman niyang makawala sa pulis kung gagamitan lang niya ito ng puwersa. Kung 'di lang siya nakapagtimpi ay baka kanina pa ito nakatikim sa kanya.

"Upo!" Sabay turo ni Patricia sa bench.

Tiningnan ito ng masama ni Lon, tila inis na inis naman siya.

"ANG SABI KO UMUPO KA!" Galit na utos nito.

Ayaw pa rin ni Lon, napasinghap siya na tila walang naririnig. May unti-unting gumuhit sa pisngi ni Patricia, ang ngiti nito na nagbabala sa kanya na malapit na siyang maupakan. "Ah... Hindi ka uupo!" Sabay angat na ng kamay nito na nagbabadyang mababatukan siya ulit.

"Oo na... Oo na... Ayan na, uupo na, okay."

Sinukuan na niya ang magandang pulis.

Dahan-dahang umupo si Lon. Nangangalit man ang nguso nito sa inis, tiniis nalang niya ang abalang ito. Agad na hinatak ni Patricia ang kanyang kamay na nakaposas pa rin kay Lon. Itinapat niya sa bakal na arm rest. Kinuha niya ang susi sa likurang bulsa at kinalas ang posas nito. Pagkakalas ay agad na inilipat iyon sa arm rest ng upuan.

Nanlaki ang mga mata ni Lon, sa ginawa nito.

"Talagang nasisiraan ka na 'no! Pakawalan mo ko rito... Help! Help! T-tino-torture ako!" Sigaw ni Lon ngunit sa kasamaang palad nama'y walang tao sa park noong mga oras na iyon.

Demonyitang napapangiti na lamang si Patricia sa katawa-tawang hirit ni Lon.

"Ngayon alyas Lon. Ano ang buo mong pangalan?" Paunang tanong niya.

"Police brutality 'to! I know my own rights. Kakasuhan talaga kita. Kahit na... medyo... Uhmm! Maganda ka, sexy at... Ahh..." Pahina ng pahina ang boses ni Lon sa d'yosang nasa harapan niya. Napakagat labi ito sabay sulyap sa magandang hubog ng katawan ng pulis.

Nagpamaywang lang si SPO1 P.Mendoza at parang sarado na sa isip nito ang mga nakakarinding atungal ni Lon.

Pangalan lang naman, walang naman sigurong masama. Naisip tuloy ni Lon.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon