Chapter 14 (Ang paglaya mula sa pagkakagapos)

316 13 1
                                    

( NARRATOR'S P.O.V. )     

              KASABAY ng pagbuhos ng ulan ang bigat ng pighating nararamdaman ni Lon. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga naganap sa pagitan nila ni Rai. Pinatay nito ang isang kadugo na halos itinuring na niyang kapatid. Sa bilis ng mga pangyayari pakiwari niya'y isang panaginip lang ang lahat ngunit hindi— mababakas sa kanyang patalim ang mansta ng dugo.

            Hindi niya lubos na matanggap ang kinahinatnan.   

            Ngunit isang katotohanan din ang sumagi sa kanyang isipan. Magagawa na niyang makuha ang pinakaaasam na hustisya para sa kanyang ama, kapalit ng pagkitil niya sa buhay ni Rai.

           "Well done, my friend!" Sambit ng isang lalaking naka-itim na jacket, sinalubong nito si Lon.

           Nakita naman niya ang lalaking nakapayong.

          "Tapos na ba?" Anas ni Lon.

          "Hmm... Ang alin?" Sagot nito habang pinupunasan ang mga butil ng tubig sa kanyang jacket.

            "Tapos na ba ang obligasyon ko sa inyo!"

           "Ahh! Well, technically... Oo! Pero may konting formalities nalang siguro." Ngumiti ito.

          "Formalities..." Nainis si Lon, tila nakakainsulto kasi ang ngiting gumuguhit sa tagamasid.

          "Si Maestro ng bahalang humarap sa'yo tungkol sa bagay na yan. Tauhan ka niya, 'di ba?"

           "Ipaalam mo na ang mga nakita mo rito."

          "Alam ko pero— may hindi lang ako maintindihan sa mga pangyayaring ito." Usisa naman ng lalake.

          Natigilan si Lon.

          "At ano yon?"

          "Nagtataka lang ako kung bakit napakahirap para sa'yo na itumba yang traydor na yan?"

          Nagpantig yung tenga ni Lon at sa sobrang inis niya'y tinutukan niya ng patalim yung leeg ng lalake.

          "Teka! Teka! Tagamasid lang ako. Tulad mo, ginagawa ko lang ang tungkulin ko rito." Nangingilag na paliwanag nito.

           "Tumahimik ka! Wala kang alam." Giit ni Lon, kinaiinisan nito ang mga hirit ng tagamasid.

           "Relax lang pare!" Hinawi nito yung talim at humakbang paatras upang dumistansya sa kanya.

           Umalis si Lon, ayaw na nitong patagalin pa ang walang kuwentang pag-uusap nila. 

-----

          HINAWI ni Elena ang kurtina ng kanyang kuwarto. Gusto niyang pinagmamasdan yung mga patak ng ulan na dumadaan mula sa sinag ng liwanag. Hawak niya sa kanyang kamay ang isang litrato. Sa larawan, may isang lalaking nakasumbrero.

           Kuha ito noong huling magkaroon ng outreach program sa kanilang orphanage. May kutob siyang kilala niya ang lalake iyon at nararamdam niyang may kaugnayan ito sa kanya. Alam niya na yung inalagaan niya noon at yung taong nasa larawan ay iisa. Naniniwala siyang kapatid niya ito.

          Kahit kailan nama'y, hindi siya naniwalang patay na ito.

          Gusto niyang masiguro, gusto niyang malaman yung katotohanan kung bakit siya iniwan ng kanyang kapatid.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon