Chapter 7 (Ang takipsilim ng pangako ni Lon)

400 14 0
                                    

(RAI'S P.O.V.)

     ISANG linggo matapos ang insidente sa parke. Di ko na magawa pang makipag-usap kay Lea. Tila wala na siyang balak na kausapin pa ako matapos ang mga nangyari sa parke. Ni tawag o text ay wala na akong natanggap mula sa kanya. Mangingilan-ngilan beses na rin akong nagbalak na maunang kamustahin ang lagay nito ngunit alam ko na dapat ko ng putulin ang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya.

      Wala akong ideya kung nasaan na siya ngayon. Hindi ko siya makita sa hospital o maging sa kanyang tirahan. Nangangamba tuloy ako para sa kaligtasan niya. Ngunit kailangan kong ituon ang isipan ko ngayon, nagbaba ng bagong misyon ang Konseho at si Lon ang naka-tokang magpatupad nito.

     Maganda ang pangitaing ito dahil kung matagumpay itong naipatupad, pang 99th successfull mission na ito ni Lon.

     Isa nalang at siguradong graduate na siya. Isang nakakatuwang termino na madalas banggitin ni Francis.

       "Sigurado ka ba sa plano mo?" Sambit ko kanya tila nangangamba pa rin ako sa mga mangyayari.

      "Bakit naman?" Tanong ni Lon.

     "Medyo malayo yata yung distansya natin sa target kung magkakataon." Sabi ko sa kanya. Sabay tingin sa isang grupo ng mga yate na naka-park sa may Yacht club.

     "Basta rumerehistro sa scope tatamaan ko yan." Banggit nito ng may paniniguro.

      Nasa isang yate ang target at balak maglayag sa buong Manila bay. Kung nagkataon mapapalayo pa ito lalo. Malaki ang yate at may mga bisitang nandoon sa loob. Isang mayamang negosyante ang target, may export business at ayon sa profile, bigtime  smuggler ito ng mga hotcars mula sa iba't ibang bansa. Delikado kung close contact kami, malaki nga ang barko ngunit napakaliit naman ng espayo nito sa loob. Madali kaming mapapansin kung magpupumilit kaming makapasok.

      Ang plano, pupuwesto si Lon sa Lighthouse, 200 meters away from the yacht. Terminate the target before the boat sails. Yun ang pinakamadaling planong naisip naming gawin kaso may hindi inaasahang mangyayari.

    "Anak ng--- Paalis na yung yate!" Bungad ko. Napa-aga ang pag-alis nito.

     "Lintek! Patay tayo nito." Si Lon.

      Balak sanang habulin ni Lon yung oras upang puwesto sa lighthouse pero pinigilan ko siya.

      "Huwag na Lon, hindi ka na aabot."

     Tumawag ako sa kabilang linya, gamit ang com-link ko.

     "Kuwago!"

     "Yep!" Sambit niya.

     "Kuwago, lock mo na ang target." Wika ko sa receiver.

     "Kanina pa! 310 meters and rising. Palayo ng palayo, Rai." Sagot niya.

     "Nalintekan na! Plan B tayo." Sabi ni Lon.

      Naisip ko ang plan B na iminungkahi ni Lon nung pinaplano pa namin ito. Napaka-radical at impossible ma-accomplish pero bilib ako sa husay niya.

     Wala akong dapat ipangamba.

   Mabuti nalang nakapagarkita kami ng speedboat. Hinayaan na muna naming makaalis yung Yate.

      "Dalian natin baka makalayo pa." Wika ni Lon.

      Bitbit ang baggage niya. Nasa loob nito ang long-range rifle niya a.k.a. Pat. Sumakay na kami sa speed at humabol na sa Yate.

       Ako nakatokang magmaneho nito, nasa likod ko si Lon na may gamit na binoculars.

      "Kuwago, malayo na ba?" Tanong ko sa kabilang Linya.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon