Chapter 26 (Ang Berdugo)

259 11 2
                                    

(NARRATOR'S P.O.V.)

"COM-LINK... Check!" Sambit ni Francis. Sinusiguro nitong malinaw ang linya.

"Check!" Sagot naman ni Lon.

"Ano ang status mo d'yan sa itaas ng building, pare?" Ina-adjust nito ang volume at pinalaki ang drone image sa screen monitor.

Niluwagan ni Lon ang kanyang kuwelyo. Tagak-tagak na rin ang pawis nito sa nuo.

"Ayos lang, kaso nasa tabi ako ng exhaust pipe kaya sobrang init dito sa puwesto ko!" Reklamo pa nito.

"Lon, nasa floor na ba ang target?"

Ngiwing sumilip sa scope si Lon. Sinipat-sipat ang venue. "Marami ng bisita sa roofdeck. Still no visuals sa target!" Imporma nito sa linya.

Maganda at maaliwalas naman ang gabi. Nakatanaw si Lon sa katapat na Smithson Building. Meron lamang itong fifty floors. Isang private party ang kasalukuyang nagaganap sa roofdeck nito. Malawak ang open space ng pinaka itaas na bahagi ng building kayang mag-accomodate nito ng maraming guest.

Si Lon ay nakapuwesto sa J.P.G. Building, medyo mataas ito ng kaunti kumpara sa katapat na kinalalagyang building ng assigned target.

"Lon, ang sabi ni Rai. Nakapasok na raw siya sa loob. The mission is good to go." Update ni Francis.

"Kopya!" Nagsimula ng magunat-unat si Lon.

Sinilip nito sa scope ang mga kaganapan. Isang sosyal na Banquet ang nagaganap, puro naka-formal attire ang mga bisita. Tinansiya ni Lon ang mga taong naroroon sa party. Sa kalkula niya, halos aabot ng 100 plus ang bilang ng mga bisita. Bukod pa roon ang mga tauhan sa stage at catering nila. Ang target ay si Victor Manipot, isang successfull business tychoon. May-ari ng mga 5 star hotels sa iba't ibang panig ng asia. Milyonaryo si Mr. Manipot at maimpluwensing tao. Tatlo ang bodyguards nito: isang lalaking naka-gray na amerikana, mayroon itong markadong pilat sa mukha at dalawang pang bantay na naka-black suit naman. Formal ang theme ang party kaya kapansin-pansin na halos mga mula sa alta sosyal ang mga bisita.

Maya-maya pa'y ipinakilala na siya ng host ng party.

"The founder of Gemstone group of companies. President and C.E.O. Our guest of honor. Everyone let's give him a big warm of applause- Mr. Victor Manipot!"

Lahat ay nagpalakpakan ng ipinakilala ito sa madla. Lumapit ito sa micstand, inaasahan ng magbibigay ito nang talumpati.

"Lon, target on deck. Nakita mo na?" Paniniguro ni Francis.

"Oo..." Maikling sagot ni Lon.

"Kung mahihirapan ka, it's better to find a perfect spot." Suggestion nito.

"Oo, sandali lang. Nagsasalita pa ang mokong." Sabay ini-adjust nito ang lente.

"Mukhang mahaba pa ang speech niya..."

"Palagay ko nga teka... Pupuwesto muna ako ng maigi tapos bibirahin ko na." Kampanteng tugon ni Lon.

Umatras si Lon, at inayos ang kanyang tindig.

"Thank you everyone. Let's enjoy this evening." Umalis si Mr. Manipot sa stage. Umupo ito sa bakanteng silya katapat ang round table, katabi ang iba pang kasosyo nito sa negosyo.

"Anak ka ng lintek! Napakaikli namang speech yon." Inis na usal ni Lon. Kaagad na tumawag ito sa linya. "Ang daldal mo kasi Kuwago. Wala na kong window. Negative... Humarang kaagad iyong mga bodyguard." Dagdag pa nito.

"Hanapan mo lang ng butas." Ngiting napailing nalang ang kausap nito sa linya.

"Sige pero titiyempo ako."

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon