Chapter 12 (Ang desisyon)

307 12 2
                                    

( RAI'S P.O.V. )

      BINALUTAN ng katahimikan ang buong palagid. Ni isa man sa amin ay walang gustong magbitiw ng unang salita. Hindi ko alam kung bakit pa ako umaasa na mamahalin niya ang isang katulad ko at dahil sa mga nasaksihan niya kanina. Mas lalo lang mapapalayo s'kin si Lea. Nilingon ko siya sa aking tabi. Tulalang nakitingin lang ito sa kawalan. Labis sigurong karahasan ang nasaksikan niya kanina. Ito na ang kinatatakutan ko ang malaman niya ang buong katotohanan tungkol sa aking pagkatao.

         "Patawad Lea, hindi ko gustong magsinungaling sa'yo." Nanginginig pa ang aking boses.

           "S-sabihin mo s'kin katulad ka rin ba nila?"

           Nababasa ko ang pagkamuhi sa kanyang mukha. Masakit mang aminin, kailangan ko pa rin na sagutin ang tanong.

           "Oo, Lea... " Mahinang sagot sa kanya. Hiyang-hiya ang aking pagkatao.

           "Sabihin mo, pinagtaankaan mo rin ba ang buhay ko?" Tanong niyang muli habang nagsisimula nang pumatak ang kanyang mga luha.

           Sumagi sa isipan ko ang mga nangyayari sa ospital. Iyon ang unang beses na nakita ko ang maganda niyang mukha ngunit sa oras na sagutin ko ang tanong na yon. Alam ko na tuluyan na siyang mawawala sa akin. Hinigpitan ko ang kapit sa manibela na parang gusto kong pigain yon.

           Nanlulumong lumingon siya sa akin.

           "Ikaw ba ang pumatay kay Congressman Verduza?" Aniya.

            Mukhang naaalala na rin niya ang lahat.

           "Oo, Lea..." Mahinahong sagot ko sa kanya.

           "Kaya ka lumalapit sa akin dahil gusto mo kong patayin. G-ganun ba?" Nahirapan siyang bigkasin ang mga salitang yon dahil na rin sa tindi ng kanyang emosyon.

             "Hindi... Hindi Lea. Hindi kita sasaktan. A-ayoko... Hindi ko magagawa yon s'yo."

            Kahit anumang pagbaliktad ko sa salita, isa pa rin ang tinutumbok nito.

             Nagsinungaling ako sa kanya.

             "Dahil sa'yo nagawa ko na ang tama. Binago mo lahat ng paniniwala ko, Lea. Dahil sa'yo— nagkaroon ako ng pag-asa sa isang normal na buhay na malayo sa lahat ng ito." Paliwanag ko.

             "Pero hindi ka naman katulad nila, 'di ba Rai?"

             Alam niyang may kabutihan din ako. Nararamdaman niya. Marahil naniniwala s'yang handa kong ibuwis ang aking buhay maprotektahan lang siya.

            "Pumapatay rin ako katulad nila, Lea. Pareho lang na maitim ang aming mga kaluluwa."

           Nanahimik na si Lea. Hindi na niya marahil kinaya pa ang katotohanan.

          "Lea, ayoko nang madamay ka pa rito. Mapapahamak ka lang kung tuluyan ka pang sasama sa akin." Pilit kong tinatagan ang damdamin ko habang binibigkas ang mga salitang iyon.

          Muli niya kong nilingon at nakita ko ang pagguhit ng kanyang mga luha. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at lumabas.

            Pinagmasdan ko ang unti-unting paglayo niya sa akin. Ilang sadali pa'y natigilan siya upang muling lumingon sa akin. Nasaktan ako sa nakita kong kalungkutan sa kanyang mga mata.

           "Kailangan para mabuhay ka. Kailangang layuan kita." Binigkas ko ang mga salitang iyon ngunit alam kong hindi na niya ito maririnig.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon