Chapter 11 (Ang lihim ng pagkatao)

379 14 1
                                    

(NARRATOR'S P.O.V.)

       "MAESTRO, alam niya ang magiging parusa sa oras na sumaway siya sa utos ng Konseho." Wika ng isang boses na pumalibot sa buong bulwagan.

         Hindi ito ordinaryong bulwagan. May pitong monitor screens yung naroroon. Nakahilera ang pagkakalagay ng mga ito, animo'y nakamasid sa taong nasa gitna. May ibat-ibang simbolong nakalitrato sa bawat screens. Nangingibabaw ang boses ng mga konsehal sa buong bulwagan.

         Ito ang Konseho...

        Walang sinumang pinuno ng lupon ang nakaaalam ng tunay na pagkatao ng bawat Konsehal at ang pagkakakilanlan ng bawat isa sa kanila ay malaking misteryo pa rin para mga miyembro. Si Maestro, isa sa mga pinuno ng lupon, isang taga pagmasid at guro ay kasalukuyang nakikipag-usap sa kanila.

         "Isa po si Raizen sa mga tapat na tauhan natin. Bigyan nalang po ninyo siya ng ibang misyon. Naging mahirap po para sa kanya ang huling misyong ipinagkaloob ninyo."

         "Ito ang magiging batayan ng kanyang katapatan sa atin. Ang desisyo'y napagkaloob na at kung tututol siya? Kaparusahan lang ang ipapataw namin sa kanya."

         "Ngunit---" Tutol naman ni Maestro batid niyang wala ng lusot si Raizen sa kaparusahang ipapataw sa kanya.

         "Tila lumalambot ka na Maestro. Masyado kang nagpapadala sa ugnayan mo sa kanila. Ipataw mo ang utos, alam mo ang ating patakaran."

          "Opo!" Mabigat niyang sinagot ang mga utos na yon. Naghahalo ang inis at pagkasuya nito sa Konseho. Sa mga taong nagdaan pakiramdam niya'y nawawalan na ng integridad ang mga ginagawang desisyon nito.

         Noon... Naniniwala pa siya sa mga prinsipyo nito, na bukod tanging masasamang tao lamang ang papatawan ng kaparusahan ngunit nitong nararamdaman niya ang unti-unting pagbabago sa sistema nitong nakalipas na mga taon.

      Umalis si Maestro sa bulwagan.

------

       Lumipas ang dalawang araw.

      "Nakuha mo ba ang identity ng taong naka-usap ni Lea sa park?" Tanong ni Patricia kay Dan.

      "Wala akong gaanong nakuhang impormasyon tungkol sa pagkatao niya ngunit nasundan namin ang tinutuluyan niya. Rumirenta lang siya sa isang maliit na apartment sa Antipolo. Pinagtanung-tanong ko na rin siya sa lugar ngunit walang nakakakilala sa kanya. Bago salta lang daw ito. Pero ayon kay Lea, Rai daw ang pangalan niya. May pinsan ito sa Marikina at may online business sila. Other than that wala na akong nakalap pa, to follow up nalang yung pinsan niya na hinahanap pa natin." Imporma ni Dan.

        "May kakaiba sa kanya. Call it a hunch, pero kung tama ang pagkakaalala ko e, siya yung nagligtas kay Lea." Ani ni Patricia.

        Tumango naman si Dan sa mga duda ng ka-partner.

        "Alam kong may itinatago ka, Rai?"

------

(RAI'S P.O.V.)

        "READY ka na?" Bungad ko kay Lea habang nakatayo ako sa tapat ng kanilang pintuan .

       "Teka, magpapaalam muna ako kay Papa." Sagot nito sa akin.

        Bumaling ito sa likuran at nagpasabi sa kanyang ama. "Papa, alis na po ako!"

        Bumaling s'kin yung tingin ng kanyang ama. Nakakapagtaka dahil biglang kinabahan ako sa mga tingin nito, parang binubusisi nitong maigi yung pagkatao ko.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon